Bulletin Board

#KABATAANSAHALAAN: PAANO MAKAPAGREREACTIVATE NG REGISTRATION RECORD?

/ 11 February 2021

Hanggang Setyembre 30 na lamang ang voter registration ayon sa pahayag ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon.

Magkagayo’y tuluyan ang panghihikayat ng Comelec na magparehistro para maisapraktika ang karapatang makapamili ng mga susunod na pinuno ng Filipinas sa oras na matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, hindi lamang mga bagong botante ang kanilang tinututukan. Sapagkat may milyong mga Filipino rin ang kailangang magpa-reactivate ng rekord upang muling maging kalipikadong botante sa Eleksiyon 2022.

Kung ikaw ay dalawang magkasunod na eleksiyon nang hindi nakaboto ay kailangan mo nang magsumite ng aplikasyon for reactivation of registration record. Pansamantala kasing naka-hold ang iyong detalye at naka-inactive sa opisina ng Comelec.

Narito ang listahan ng iba pang mga posibleng dahilan ng inactive status:

  1. Sentenced by final judgment to suffer imprisonment for not less than one (1) year;
  2. Convicted by final judgment of a crime involving disloyalty to the duly consitututed government, etc.;
  3. Declared by competent authority to be insane or incompetent;
  4. Loss of Filipino citizenship; or
  5. Exclusion by a court order.
  6. Failure to validate.

Kung isa ka sa mga nabanggit, ihanda ang anumang katibayang absuwelto ka na rito at tumungo sa pinakamalapit na opisina ng Comelec para muling maging aktibong botante.

Bisitahin lamang ang https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/VoterRegistration/ApplicationsForms/CEF1_Revised_fillable.pdf para makita ang pormularyo. Dalhin ito sa opisina at pumila gaya ng sa regular na rehistrasyon.

Bagaman hindi kailangan, mainam na ring magdala ng balidong identification card bilang pagpapakilala ng iyong sarili.

Ayon kay Guanzon, hindi pa naaabot ng Comelec ang target nitong bilang ng botante para sa darating na halalan. Magkagayo’y huwag nang mag-atubili at pumunta na sa opisina.

Tumutok lamang sa The Philippine Online Student Tambayan para sa mga karagdagang impormasyon.