Bulletin Board

BALITAKTAKAN SA SALAMYAAN

Usaping Wika at Multilingguwal na Edukasyon kasama si Dr. Ricardo Nolasco

13 February 2021

Inaanyayahan ng 170+ Talaytayan MLE Inc. at ng The Philippine Online Student Tambayan ang mga mag-aaral, guro, mananaliksik, at organisasyong pangwika na dumalo sa pandaigdigang talakayan hinggil sa multingguwal na edukasyon sa panahon ng pandemya at transisyon sa Pebrero 15, 10:00 n.u., via Facebook Live.

Pag-uusapan sa ‘Balitaktakan sa Salamyaan’ ang samu’t saring isyung nakaangkla sa kasalukuyang pagpapasinaya ng Mother Tongue-Based Multilingual Education, estandardisasyon ng Wikang Filipino, pangangasiwa, pagpoprograma, at pagsasanay hinggil sa paggamit ng mga wikang bernakular sa Filipinas at iba pa.

Tampok nito ang pinuno ng Talaytayan na si Dr. Ricardo Nolasco at ang iba pang tagapagsalita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig, na padadaluyin ng The POST Team.

Pormal ding ilulunsad sa Balitaktakan ang 2021 International Mother Language Conference and Festival na gaganapin sa Pebrero 21 hanggang Marso 20. Iikot ang kumperensiya sa temang ‘Multilingual Education in the Pandemic and in Transition: Mapping the Course for Language Development and Governance’.

Libre para sa lahat ang Balitaktakan sa Salamyaan. Sa mga nais dumalo at magbigay ng katanungan hinggil sa naturang paksa, bisitahin lamang ang tinyurl.com/BalitaktakanSaSalamyaan.