PAGBIBIGAY NG INSETIBO SA MGA BATANG ATLETA, INAPRUBAHAN NA NG HOUSE PANEL
LUSOT na ng House Committee on Appropriations ang panukala na magbibigay ng insentibo sa mga batang atleta sa bansa.
Sa kanilang online hearing, napagkasunduan ng kumite na iendorso na sa plenaryo ang substitute bill sa House Bill No. 5808, o ang proposed Young Athletes Assistance Act.
Batay sa panukala, babalangkas ng ‘Get Started’, ‘Get Going’ at ‘Get Playing’ funds para palakasin ang sports programs ng pamahalaan.
Ang ‘Get Started’ fund, ang mga batang atleta ay pagkakalooban ng voucher na hanggang P3,000 para sa kanilang participation fees.
Ang ‘Get Going’ fund naman ay suporta sa local sports at recreation organizations na katumbas ng hanggang P50,000 para sa mga proyekto na bubuo ng mga oportunidad sa mga batang atleta.
Samantala, ang ‘Get Playing’ fund ay naglalayong ayusin pa ang mga sports facilities na popondohan ng P500,000 upang matulungan ang mga local sports at recreation organizations na may facility development upang mahikayat nag mga batang atleta na sumali sa mga sports activities.
“The young promising athletes are the future of the nation’s sports program. The possibility of competing in the higher stages such as the Olympics is possible,” pahayag ni Rep. Jake Vincent Villa, principal author ng panukala sa kanyang explanatory note.