The Bleachers

KAMARA, NAGKAISA SA PANAWAGANG IBALIK NA ANG SCHOOL SPORTS TRAINING AT ATHLETIC COMPETITIONS

ISINUSULONG ng Kamara ang panawagan sa gobyerno na payagan na ang school sports training at athletic competitions sa gitna ng pagbaba ng kaso ng Covid19.

/ 8 December 2021

Sa hybrid session nitong Martes, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Resolution 2275 na nananawagan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa Department of Health (DOH) na alisin na ang pagbabawal sa athletic training at competitions sa public at private schools.

Nakasaad din sa resolution ang kahalintulad na apela sa Department of Education (DepEd) at sa Commission on Higher Education (CHED).

Iginiit ng mag mambabatas na dahil sa pandemya marami sa mga estudyanteng atleta ang napipilitan lamang makuntento sa pagsasanay na hidni naman sasapat sa kalidad ng training na kinakailangan nila.

The resumption of school sports training activities and competitions will benefit student athletes who are desperately relying on their athletic skills to receive higher education through athletic scholarships,” pahayag sa resolution.

Gayunman, binigyang-diin pa rin ng mga kongresista ang pangangailangan na iprayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga atleta sa patuloy na pagsunod sa health protocols.

Idinagdag ng mga mambabatas na mahalga ang pagbabakuna sa mga student athletes upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Nakasaad sa HR 2275 na dapat nang payagan ang sports training at competitions sa ilalim ng bubble-type facility at magpalabas na lamang ng polisiya ang CHED, DepEd at DOH na susundin ng mga atleta.