UP SA UAAP FINALS
SUMANDAL ang University of the Philippines sa malakas na third quarter at nag-init si Harold Alarcon sa payoff period upang sibakin ang University of Santo Tomas, 78-69, at kunin ang ika-4 na sunod na UAAP men's basketball Finals appearance kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
SUMANDAL ang University of the Philippines sa malakas na third quarter at nag-init si Harold Alarcon sa payoff period upang sibakin ang University of Santo Tomas, 78-69, at kunin ang ika-4 na sunod na UAAP men’s basketball Finals appearance kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ibinasura ng Fighting Maroons ang two-point halftime deficit upang itarak ang 57-50 kalamangan matapos ang third period at naitala ni Alarcon ang walo sa kanyang 16 points sa final quarter upang mapangalagaan ang kalamangan ng Diliman-based squad.
“Noong first half, I felt na medyo we played tense nang konti. Minsan ganoon, sa sobrang gusto natin na manalo, medyo nagmamadali. Sa second half, they trusted each other more. Mas naintindihan namin na we should play together, which is nangyari naman nung third quarter,” wika ni UP coach Goldwin Monteverde.
Nasa kanilang ika-5 championship stint sa huling anim na seasons, ang Fighting Maroons ay determinadong makabawi matapos ang pagkatalo sa huling dalawang torneo.
Tinapos ng Fighting Maroons ang 36-year championship drought sa bubble tournament noong May 2022, at umaasang mababawi ang trono.
“Sa amin naman, from ‘yung nangyari sa last season. We took that to heart sa first practice pa lang. We as a team, ‘yung goal namin is to take it one game at a time. Ngayon, nandito na kami. Yan ang maganda sa Finals, mag-start kami ng 0-0. It’s a best-of-three series. We’re looking forward to preparing and playing our best,” ani Monteverde.
Ginawa ng Growling Tigers, balik sa Final Four sa unang pagkakataon magmula noong 2019, ang lahat para maipuwersa ang rubber match, umabante ng hanggang anim na puntos sa 40-34, sa first half bago tumukod sa huling dalawang periods.
Umiskor din si Francis Lopez ng 16 points, nagdagdag si Reyland Torres ng 13 points, habang naging puwersa si Quentin Millora-Brown sa gitna para sa UP na may game-highs na 19 rebounds at 4 blocks.
Nagtala si Nic Cabañero, sumalang sa nasa kanyang Final Four debut para sa UST matapos ang tatlong fruitless seasons, ng 12 points sa 4-of-13 shooting. Sina Kyle Paranada at Gelo Crisostomo ang iba pang Growling Tigers sa double digits na may 12 points.
Iskor:
UP (78) – Lopez 16, Alarcon 16, Torres 13, Millora-Brown 9, Fortea 8, Cagulangan 6, Ududo 4, Felicilda 2, Stevens 2, Belmonte 2, Bayla 0, Abadiano 0.
UST (69) – Paranada 12, Cabañero 12, Crisostomo 12, Manaytay 10, Tounkara 8, Padrigao 7, Acido 3, Pangilinan 3, Llemit 2, Estacio 0, Danting 0, Laure 0.
Quarterscores: 16-14, 33-35, 57-50, 78-69