Overtime

UP NAKAUNA SA LA SALLE

MAINIT na sinimulan ng University of the Philippines ang UAAP Season 87 men’s basketball Finals.

9 December 2024

Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – UE vs UST (JHS Finals)
1 p.m. – UST vs NU (Women Finals)
5:30 p.m. – UP vs DLSU (Men Finals)

MAINIT na sinimulan ng University of the Philippines ang UAAP Season 87 men’s basketball Finals.

Nabuhay ang Fighting Maroons sa second half tungo sa 73-65 panalo laban sa Green Archers sa Game 1 nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Quentin Millora-Brown ang UP na may 17 points, 8 rebounds, 2 steals, at 1 block.

Maaaring tapusin ng Fighting Maroons ang serye sa Miyerkoles, December 11, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nalimitahan si Kevin Quiambao sa 19 points makaraang umiskor na ng 18 sa first half. Tumapos siya na may 11 rebounds, 1 block, ngunit may 6 turnovers, at 0-of-6 mula sa field sa huling 20 minuto ng laro.

Samantala, nalusutan ng National University ang pinakamalaking pagsubok nito sa season nang humabol mula sa 14-point second half deficit upang maungusan ang University of Santo Tomas, 72-71, at lumapit sa pagbawi sa UAAP women’s basketball championship.

Naitala ni rookie Cielo Pagdulagan ang pinakamalaking basket ng laro, isang lay-up sa huling 50.3 segundo at nakuha ng Lady Bulldogs ang 1-0 series lead nang magmintis si Tacky Tacatac sa potential game-winning corner triple.

Nahila ang kanilang unbeaten streak sa 15 games, ang NU ay magtatangka sa kanilang ika-8 titulo overall sa isa pang panalo sa Game 2 sa Miyerkoles, ala-1 ng hapon, sa Mall of Asia Arena.

Ang back-to-back title-seeking Tigresses ay abante sa 51-37, sa 7:19 mark ng third period subalit nagpamalas ang Lady Bulldogs ng matinding katatagan, lalo na sa defensive end.

“I’m glad and happy for our players. Nobody veered away from what we do, especially in the second half. It’s a hell of a game for both teams.

It’s good for the league and for fans that women’s basketball is turning out to be like this. That means the level in both teams are leveling up,” wika ni NU coach Aris Dimaunahan.

Para sa Lady Bulldogs, gagalingan pa nila sa susunod na laro para makumpleto ang redemption tour.

“We know for a fact that it’s a short series. The mindset of our team was very important to get Game 1. We should not look at the results right away, let the results take care of itself,” ani Dimaunahan.

Nanguna si Karl Pingol para sa NU na may near double-double effort na 18 points at 9 rebounds, na sinamahan ng 3 steals at 2 assists, habang nag-ambag si Camille Clarin ng 12 points, 4 rebounds, 2 assists, at 2 steals.

Si Brigette Santos ang isa pang Tigresses player sa double digits na may 12 points, na sinamahan ng 3 rebounds, 3 steals, at 2 assists.