Overtime

UP NABAWI ANG UAAP CROWN

MULING naghari ang UP Fighting Maroons sa UAAP basketball.

16 December 2024

MULING naghari ang UP Fighting Maroons sa UAAP basketball.

Sa harap ng 25,248 crowd, nabawi ng University of the Philippines ang korona makaraang malusutan ang De La Salle University, 66-62, sa Game 3 ng UAAP men’s basketball finals kagabi sa Araneta Coliseum.

Abante ng isang puntos, 61-60, sa huling bahagi ng payoff period, isinalpak ni Francis Lopez ang redeeming three-pointer sa 1:12 na nagbigay sa UP ng 64-60 bentahe, may 1:12na lamang ang nalalabi sa laro.

Isang lay-in ni EJ Gollena mula sa steal pagkalipas ng 28 segundo ang naglapit sa Green Archers sa dalawang puntos, 64-62, subalit pinalobo ni Quentin Millora-Brown ang kalamangan ng Fighting Maroons sa apat pagkalipas ng ilang plays, 66-62.

Naunang naghabol ang La Salle sa 14 puntos, 54-40, makaraang bumanat si Gerry Abadiano ng personal 7-to-nothing run na tinampukan ng dalawang free throws sa 5:06 mark ng third quarter.

Samantala, nakumpleto ng National University ang redemption season nito sa 78-73 pagdispatsa sa University of Santo Tomas sa UAAP women’s basketball tournament.

Idinagdag ni newly-minted Rookie of the Year Cielo Pagdulagan ang Finals MVP hardware sa kanyang trophy case habang tinapos ni Camille Clarin ang kanyang collegiate career bilang kampeon habang hinubaran ng Bulldogs ng korona ang Tigresses upang kunin ang kanilang ika-8 championship sa kabuuan.

“These players were on it since Day 1 ng training camp namin. We asked so much from them pero hindi mo matatawaran yung effort nila every day. I’m just very satisfied because today, this is the fruit of our labor. I’m really satisfied of how they conducted themselves today.

Lahat lahat lahat ibinigay ang lahat para sa redemption year na ito,” sabi ni Aris Dimaunahan, nakopo ang kanyang ikalawang korona bilang NU head coach.

Tiniyak ng Lady Bulldogs, na naging ikatlong pinakamatagumpay na koponan sa liga, na hindi na sila kukulapso sa pagkakataong ito hindi tulad sa masaklap na pagkatalo sa Game 3 noong nakaraang season.

Tumapos si Pagdulagan na may 21 points, 9 rebounds, 3 assists, 3 steals para sa NU.

“Super happy pero ‘yung mga awards naman na nakuha ko bonus lang sa akin kasi ang goal naman talaga namin ay ‘yung championship,” wika ni Pagdulagan, na naging unang Lady Bulldogs rookie na nagwagi ng Finals MVP matapos na gawin ito ng kanyang teammate na si Tin Cayabyab noong 2022.

Nag-ambag si Camille Clarin ng 14 points, 6 boards, 3 assists, at 2 steals para sa NU.

“I am so proud to be the captain of this team. It’s the we over the me. These girls really showed me whqt it takes to fight until the end,” sabi ni Clarin.

Umiskor din si Angel Surada, na hindi pa nakapagdedesisyon kung gagamitin ang kanyang final season para sa Lady Bulldogs sa susunod na taon, ng 14 points, na sinamahan ng 8 rebounds, 4 steals, at 3 assists.

Nanguna si Karylle Sierba para sa UST na may 20 points, 3 rebounds, at 3 assists, habang nagtala si Tacatac ng 14 points sa kanyang huling laro para sa eskuwelahan.

Nalimitahan si Brigette Santos, ang Game 2 hero na may 27 points sa series-tying 78-68 victory, sa 8 points lamang, habang nagbigay ng 5 assists, 4 rebounds, 4 steals at bumuslo ng 3-of-15 mula sa field.

Nalimitahan din si Kent Pastrana, isang three-time Mythical Team member, sa pitong puntos lamang bagama’t nakakuha rin siya ng 7 rebounds at 7 assists. Sa kanyang unang dalawang laro ay may average siya na 16.5 points.