Overtime

UNANG PANALO SA PVL NILAGOK NG ZUS COFFEE

NAKOPO ng ZUS Coffee ang kauna-unahang panalo nito sa Premier Volleyball League makaraang dispatsahin ang Nxled, 19-25, 25-23, 25-22, 25-15, sa All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Center.

20 November 2024

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
4 p.m. – Cignal vs Chery Tiggo
6:30 p.m. – Capital1 vs Choco Mucho

NAKOPO ng ZUS Coffee ang kauna-unahang panalo nito sa Premier Volleyball League makaraang dispatsahin ang Nxled, 19-25, 25-23, 25-22, 25-15, sa All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Center.

Ang panalo ng Thunderbelles ay pumutol sa kanilang 20-game losing streak mula pa sa All-Filipino noong nakaraang season nang ang koponan ay tinatawag pang Strong Group Athletics.

Humataw si Jovelyn Gonzaga, ang pinakamalaking off-season acquisition ng ZUS Coffee, ng 20-of-30 kills at 3 blocks upang tumapos na may 23 points at nakakolekta ng 12 digs habang kumana si top rookie pick Thea Gagate ng match-best 5 blocks, 10-of-23 attacks at isang service ace para sa 16-point effort.

Gumawa si Clo Mondoñedo ng 16 excellent sets at nagpakawala ng service winner habang nag-ambag si Chai Troncoso, na tulad ni Gonzaga ay dating mula sa Cignal, ng 8 points.

Nanguna si Chiara Permentilla para sa Chameleons na may 19 points, habang nagdagdag si Lucille Almonte ng 12 points, 8 digs at 5 receptions.

Nahulog ang Nxled sa 0-2.