UAAP: UST HIHIGPITAN ANG KAPIT SA NO. 4
PIPILITIN ng University of Santo Tomas na mapahigpit ang kapit sa ika-4 na puwesto sa pagsagupa sa National University sa UAAP men's basketball tournament ngayong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.
Standings W L
*DLSU 10 1
*UP 9 2
UE 6 5
UST 5 6
AdU 4 7
FEU 4 7
Ateneo 3 8
NU 3 8
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
8 a.m. – FEU-D vs DLSZ (JHS)
10 a.m. – FEU vs DLSU (Women)
12 noon – NU vs UST (Women)
3:30 p.m. – FEU vs DLSU (Men)
6:30 p.m. – NU vs UST (Men)
PIPILITIN ng University of Santo Tomas na mapahigpit ang kapit sa ika-4 na puwesto sa pagsagupa sa National University sa UAAP men’s basketball tournament ngayong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.
Tangan ng Growling Tigers, may 5-6 kartada, ang one-game lead laban sa Adamson Falcons at FEU Tamaraws sa karera para sa No. 4 spot.
Hindi magiging madali ang laro para sa Tigers laban sa Bulldogs na may 3-8record sa ilalim ng standings, na naiposte ang isa sa pinakamalaking upsets ngayong season, sa alas-6:30 ng gabi.
Umaasa ang FEU, nanalo sa tatlo sa kanilang apat na second round games, na masilat ang defending champion La Salle sa alas-3:30 ng hapon.
Galing sa wire-to-wire 67-47 victory kontra University of the Philippines noong nakaraang Linggo, ang NU ay tumabla sa Ateneo sa 3-8, dalawang laro sa likod ng UST sa karera para sa huling Final Four berth.
Maging ang third-running University of the East, na nahirapan sa second round matapos ang impresibong 5-2 simula, ay hindi pa ligtas.
Ang Red Warriors (6-5) ay dalawang laro lamang ang agwat sa Falcons at Tamaraws, at maging ang Growling Tigers ay maaaring mapatalsik ang Recto-based dribblers sa No. 3 spot.
Nakopo na ng league-leading Green Archers, may 10-1 record, ang isang twice-to-beat incentive sa Final Four at ang kanilang return match kontra Fighting Maroons sa Linggo ang maaaring magdetermina sa No. 1 ranking.
May 9-2 kartada, ang UP ay nakasisiguro na ng playoff para sa No. 2 spot. Ang 20-point loss sa Bulldogs ang bumigo sa kampanya ng Fighting Maroons na maisubi ang nalalabing twice-to-beat slot sa Final Four.
Ang UST ay maglalaro sa unang pagkakataon magmula noong Oct. 27, kung kailan pinutol nila ang three-game losing streak sa 79-70 panalo kontra FEU.