Overtime

UAAP: TIGRESSES VS LADY BULLDOGS SA FINALS

NAISAAYOS ng National University ang titular showdown sa University of Santo Tomas makaraang walisin ang Far Eastern University, 25-13, 27-25, 25-15, sa UAAP Season 86 women's volleyball tournament Final Four kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

9 May 2024

NAISAAYOS ng National University ang titular showdown sa University of Santo Tomas makaraang walisin ang Far Eastern University, 25-13, 27-25, 25-15, sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament Final Four kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito na ang ikatlong sunod na finals appearance ng Lady Bulldogs.

Humataw si Bella Belen ng 21 points, habang nagdagdag si Sheena Toring ng 13 points para sa NU na may tsansa ngayon na mabawi ang UAAP crown na naagaw ng De La Salle Lady Spikers noong nakaraang season.

Walang Lady Tamaraw na umiskor ng double digits kung saan nagtala si Chenie Tagaod ng 9 points.

Naipuwersa ng FEU ang do or die game makaraang gulantangin ang top-seeded NU sa pagsisimula ng semis.

Samantala, sinelyuhan ng defending champion National University ang men’s volleyball championship rematch sa University of Santo Tomas makaraang gapiin ang La Salle sa Final Four.

Tinapos ng four-peat seeking second-ranked Bulldogs ang No. 3 Green Spikers, 25-23, 22-25, 25-22, 25-21, upang umusad sa Finals sa ika-9 na sunod na season.

Patuloy ang dominasyon ng NU sa division tulad sa nakalipas na walong seasons, kung saan nagwagi ito ng limang championships, kabilang ang apat mula kay decorated coach Dante Alinsunurin, at tatlong runner-up finishes.

Ang Golden Spikers, tinalo ang Bulldogs ng dalawang beses sa eliminations, ay naging unang No. 4 team na umabante sa championship round sa Final Four era.

Nakumpleto ng UST ang stunning reversal sa No. 1 Far Eastern University, 25-18, 21-25, 26-24, 26-24, upang selyuhan ang rematch ng last year’s championship series sa NU.

Nakatakda ang Game 1 ng best-of-three title series sa Linggo, alas-12 ng tanghali, sa Big Dome.