UAAP: MALINIS NA MARKA ITATAYA NG FIGHTING MAROONS VS FALCONS
ITATAYA ng University of the Philippines ang kanilang perfect record sa pagsagupa sa mapanganib na Adamson sa UAAP men's basketball tournament ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Standings W L
UP 4 0
DLSU 4 1
UST 3 1
AdU 3 2
UE 2 2
Ateneo 1 3
NU 1 4
FEU 0 5
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
8 a.m. – UPIS vs AdU (JHS)
9:45 a.m. – NUNS vs UE (JHS)
11:30 a.m. – UP vs AdU (Women)
1:30 p.m. – NU vs UE (Women)
4:30 p.m. – UP vs AdU (Men)
6:30 p.m. – NU vs UE (Men)
ITATAYA ng University of the Philippines ang kanilang perfect record sa pagsagupa sa mapanganib na Adamson sa UAAP men’s basketball tournament ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Habang ang Fighting Maroons ay nanalo sa lahat ng kanilang apat na laro na may average margin na 16 points, kailangan ng Falcons na alamin kung paano sila mapipigilan sa 4:30 p.m. contest.
“Win, lose, win, lose, win…hopefully we break that against UP. We will just do our best,” sabi ni coach Nash Racela.
Sisikapin naman ng University of the East na mahila ang kanilang winning streak sa tatlong laro sa pagsagupa sa National University sa alas-6:30 ng gabi.
Galing ang Red Warriors sa 75-71 reversal sa La Salle noong nakaraang Linggo, ipinalasap sa back-to-back title-seeking Green Archers ang kanilang unang talo sa season.
Masaya matapos ang 60-58 panalo kontra Bulldogs noong Miyerkoles ng gabi via game-winning tip in ni Joshua Yerro, inaasahang magiging tuntungan ito ng Falcons upang makasabay sa matatangkad at malalim na Fighting Maroons side.
“I’m excited for the challenge. You know they are a good team and undefeated, but just like the UE-La Salle game, everything can happen. Hopefully we can come out very best and hopefully we can come out with a win,” wika ni Matt Montebon, na matatag para sa Adamson ngayong season.
Para sa UP, mahalaga ang improvement tulad ng itinuturo ni Goldwin Monteverde.
“What’s important for our team is everybody is on the same page and having the same goal. Obviously that goal is putting ourselves to the best position to win,” wika ni Christian Luanzon, isa sa assistant coaches ni Monteverde.
“I’m not talking about the championship, but just taking it one game at a time, one quarter at a time, one possession at a time,” dagdag pa niya.