Overtime

UAAP: LADY SPIKERS SUMALO SA LIDERATO

NATAKASAN ng defending champion La Salle, naglaro na wala pa rin si injured reigning MVP Angel Canino, ang University of the East side, 25-23, 21-25, 25-17, 22-25, 15-12, upang sumalo sa University of Santo Tomas sa liderato na may 9-1 kartada sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

10 April 2024

Standings W L
UST 9 1
*DLSU 9 1
*NU 8 2
FEU 6 4
Ateneo 3 7
UE 2 8
AdU 2 8
UP 1 9
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – UP vs UST (Men)
12 noon –Ateneo vs NU (Men)
2 p.m. – UP vs UST (Women)
4 p.m. – Ateneo vs NU (Women)

NATAKASAN ng defending champion La Salle, naglaro na wala pa rin si injured reigning MVP Angel Canino, ang University of the East side, 25-23, 21-25, 25-17, 22-25, 15-12, upang sumalo sa University of Santo Tomas sa liderato na may 9-1 kartada sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si Thea Gagate ng 3 blocks at 2 service aces upang tumapos na may 22 points, habang nagposte rin si Shevana Laput ng 3 blocks para sa 21-point outing para sa Lady Spikers.

Nagbuhos si Alleiah Malaluan ng 12 points, kabilang ang 2 blocks, at nakakolekta ng 13 digs at 5 receptions habang nagdagdag sina Em Provido at Maica Larroza ng 11 at 9 points, ayon sa pagkakasunod, para sa La Salle, na ibinuhos ang kanilang lakas sa blocking sa fifth set.

Nagposte si Khy Cepada ng 23 points, kabilang ang 2 blocks at 2 service aces, habang nagpakawala si rookie Casiey Dongallo ng match-best 5 aces at 3 blocks upang ipagpatuloy ang kanyang high scoring ways na may 20 points para sa Lady Warriors.

Samantala, pinahigpit ng Far Eastern University ang kapit sa No. 4 spot makaraang walisin ang Adamson, 25-19, 25-23, 25-23,

Umangat ang Lady Tamaraws sa 6-4 upang manatili sa kontensiyon para sa isang puwesto sa Final Four.

“Siyempre sa kinalalagyan namin ngayon, mas gigil pa kami na mas makamit yung goal namin na pumasok sa Final Four and also yung mga goal din naman na mabawian anmin yung natalo kami ng first round,” sabi ni FEU coach Manolo Refugia.