Overtime

UAAP: LA SALLE BALIK SA PORMA

Standings NU 11 2 UP 10 4 UST 7 5 DLSU 7 6 AdU 6 7 FEU 6 7 Ateneo 5 7 UE 0 14 Mga laro ngayon: (SM Mall of Asia Arena) 1:30 p.m. – Adamson vs Ateneo 4:30 p.m. – NU vs UST

23 November 2025

BINURA ng De La Salle University Green Archers ang double-digit deficit upang pataubin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 87-82, sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament kagabi sa Araneta Coliseum.

Matapos na mabaon ng hanggang 16 puntos sa first quarter, unti-unting kinayod ng Green Archers ang lamang ng Fighting Maroons hanggang sa kunin ang 76-74 abante sa magkasunod na baskets ni Jacob Cortez.

Nagawa ng DLSU na mapalawig ang lamang sa 85-78 sa basket  nina Vhoris Marasigan at Earl Abadam. Naibaba ng UP ang hinahabol sa 81-85 sa tres ni Gerry Abadiano ngunit isinelyo ng free throws ni Marasigan ang panalo ng Green Archers.

Nagbida si Michael Phillips para sa Green Archers sa kanyang double-double na 21 puntos at 14 rebounds upang maputol ang kanilang three-game losing skid at umangat sa 7-6 kartada.

Nagdagdag si Marasigan ng 17 puntos, 15 dito ay ibinuhos niya sa second half, habang kumana ng tig-14 puntos sina Cortez at Abadam para sa Green Archers.

Nanguna naman si Rey Remogat sa kanyang season-high 25 points para sa Fighting Maroons, may 14  si Francis Nnoruka, habang may tig-12 marka sina Gerry Abadiano at Isagani Stevens. Laglag sila sa 10-4 marka.

Samantala, pinalawig ng Far Eastern University Tamaraws ang pag-asa nito para sa Final Four matapos talunin ang kulelat na University of the East Red Warriors, 82-77.

Bumuka ang laro para sa Tamaraws sa ikalawang yugto kung saan nakapagtayo sila ng 16 puntos na kalamangan—isang pader na nagsilbi nang sapat na kumpiyansa para kontrolin ang takbo ng laban hanggang dulo.

Pinangunahan ni Jorick Bautista ang FEU sa kanyang 17 puntos at 6 rebounds, habang matatag na nagbantay sa loob si Mo Konateh na may 15 puntos at walong boards. Angat sila sa 6-7 kartada.

Kumamada naman si Precious Momowei ng 19 puntos at 14 rebounds habang may 14 si Wello Lingolingo para sa UE, na tinapos ang season na walang naitalang panalo sa 14 na salang.

Iskor:

Unang laro:

FEU (84) – Bautista 17, Konateh 15, Mongcopa 14, Pasaol 12, Owens 10, Felipe 7, Daa 5, Jones 2, Ona 2, Montemayor 0, Bagunu 0, Macapagal 0.

UE (77) – Momowei 19, Lingolingo 14, Caoile 10, Mulingtapang 10, Cruz-Dumont 8, Despi 6, Robles 5, Datumalim 3, Malaga 2, Tañedo 0, Lagat 0, Jimenez 0, Rosete 0.

Quarterscores: 22-15, 42-32, 61-51, 84-77.

Ikalawang laro

DLSU (87) — Phillips 21, Marasigan 17, Cortez 14, Abadam 14, Dungo 8, Macalalag 6, Quines 4, Amos 3, Gollena 0, Nwankwo 0, Pablo 0, Melencio 0, Gomez 0.
UP (82) — Remogat 25, Nnoruka 14, Stevens 12, Abadiano 12, Alarcon 8, Palanca 7, Fortea 2, Belmonte 2, Bayla 0, Torres 0, Alter 0, Yniguez 0.
Quarterscores: 15-26, 41-44, 59-58, 87-82.