UAAP: HULING TWICE-TO-BEAT INCENTIVE PAG-AAGAWAN NG LADY SPIKERS, TIGRESSES
MAG-AAGAWAN ang University of Santo Tomas at defending champion La Salle sa nalalabing twice-to-beat bonus sa UAAP women's volleyball Final Four ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Standings W L
*NU 12 2
*DLSU 11 2
*UST 11 2
*FEU 9 5
Ateneo 5 9
AdU 3 11
UE 2 11
UP 1 12
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
10 a.m. – UP vs UE (Men)
12 noon – UP vs UE (Women)
4 p.m. – UST vs DLSU (Men)
6 p.m. – UST vs DLSU (Women)
MAG-AAGAWAN ang University of Santo Tomas at defending champion La Salle sa nalalabing twice-to-beat bonus sa UAAP women’s volleyball Final Four ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Ang dalawang koponan ay tabla sa 11-2, at inaasahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Tigresses at Lady Spikers para makaiwas sa twice-to-beat disadvantage sa semifinals.
Nasikwat ng National University, undefeated sa second round, ang unang Final Four bonus at ang No. 1 ranking makaraang tapusin ang eliminations na may 12-2 record.
Sa 9-5 kartada ay selyado na ng Far Eastern University ang No. 4 spot.
Makakaharap ng Lady Bulldogs, nagtatangka sa kanilang ikatlong sunod na Finals appearance, ang Lady Tamaraws sa Final Four.
Dinispatsa ng UST ang La Salle, 25-18, 25-23, 14-25, 16-25, 15-12, sa first round noong nakaraang Feb. 25.
Isa itong virtual best-of-three showdown sa pagitan ng Tigresses at Lady Spikers, kung saan nakataya ang Final Four incentive sa 6 p.m. match.
Noong 2019, ang dalawang koponan ay naharap sa parehong sitwasyon kung saan nakuha ng UST ang twice-to-beat advantage sa Final Four at pagkatapos ay naisaayos ang Finals showdown sa Ateneo makaraang makaulit sa Taft-based side sa Final Four.
Sa isa pang laro sa alas-12 ng tanghali ay umaasa ang University of the East na maitala ang unang three-win season nito magmula noong 2019 sa kanilang salpukan ng University of the Philippines.