Overtime

UAAP: ADAMSON SINIBAK ANG NU SA FINAL 4 CONTENTION

SUMANDAL ang Adamson sa kanilang depensa upang sibakin ang National University, 53-41, at manatili sa kontensiyon para sa isa sa dalawang nalalabing Final Four berths sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

11 November 2024

Mga laro sa Miyerkoles:
(UST Quadricentennial Pavilion Arena)
8 a.m. – UST vs NUNS (JHS)
10 a.m. – DLSZ vs UPIS (JHS)
12 noon – DLSU vs NU (Women)
2 p.m. – DLSU vs NU (Men)
6:30 p.m. – UE vs Ateneo (Men)

SUMANDAL ang Adamson sa kanilang depensa upang sibakin ang National University, 53-41, at manatili sa kontensiyon para sa isa sa dalawang nalalabing Final Four berths sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Bulldogs ay patungo sa pag-iskor ng mababa sa 40 points sa unang pagkakataon sa loob ng 13 taon hanggang ipasok ni Paul Francisco ang isang inconsequential triple sa paubos na mga segundo. Ang NU ay umiskor lamang ng 39 points sa 22-point loss sa Ateneo noong Sept. 3, 2011.

Subalit hindi ito mahalaga para sa Falcons, dahil nagawa pa rin ng San Marcelino-based squad ang second best defensive effort ng liga ngayong season. Nalimitahan ng Adamson ang University of the East sa pinakamababang scoring output nito sa torneo, naitala ang 45-37 panalo noong nakaraang Oct. 30.

Umangat ang Falcons sa 5-7, habang maagang pinagbakasyon ang Bulldogs sa kanilang ika-9 na pagkatalo sa 13 games, sinamahan ang Blue Eagles (3-9) sa sidelines. Ang Ateneo ay ‘out’ sa Final Four sa unang pagkakataon sa loob ng 13 taon makaraang gapiin ng University of Santo Tomas ang UE, 76-67, noong Sabado.

“Ang importante lang is buhay pa kami. That’s something we keep telling the players. Before the game, we told them about the alignment of stars. So, pumuporma pero if we don’t do our part, it will not happen. That’s the challenge we told them before the game,” sabi ni Adamson coach Nash Racela.

Ang karera para sa dalawang nalalabing Final Four berths ay isa na lamang four-way race sa pagitan ng Red Warriors (6-6), Growling Tigers (6-7), Falcons at ng walang larong Far Eastern University (5-8).

Ang Adamson ay nasa must-win situation laban sa UST sa Sabado at Ateneo sa hindi pa malamang petsa para sa ipinagpalibang laro noong Oct. 23 dahil kay Severe Tropical Storm Kristine.

Nagbuhos si AJ Fransman ng career-high 18 points, 11 rebounds at 3 assists upang pangunahan ang Falcons.
Inangkin na ng defending champion La Salle at University of the Philippines ang twice-to-beat slots sa Final Four.

Iskor:
AdU (53) – Fransman 18, Calisay 7, Erolon 6, Montebon 6, Yerro 3, Mantua 3, Anabo 2, Ronzone 2, Barasi 0, Ojarikre 0, Ignacio 0, Alexander 0, Barcelona 0, Dignadice 0, Ramos 0.
NU (41) – Palacielo 10, Figueroa 8, Santiago 5, Jumamoy 4, Padrones 4, Francisco 3, Enriquez 3, Manansala 3, Garcia 0, Yu 0, Lim 0, Tulabut 0, Dela Cruz 0, Parks 0.
Quarterscores: 18-7, 28-20, 39-31, 53-41