SSL: DO-OR-DIE SA LADY SPIKERS, TIGRESSES
MAGHAHARAP ang unbeaten De La Salle University at University of Santo Tomas sa kapana-panabik na semifinal showdown sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Miyerkoles sa Rizal Memorial Coliseum.
Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Coliseum)
3:30 p.m. –- CSB vs UP (classification)
6 p.m. — La Salle vs UST (semis)
MAGHAHARAP ang unbeaten De La Salle University at University of Santo Tomas sa kapana-panabik na semifinal showdown sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Miyerkoles sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi matapos ang 3:30 p.m.classification round tiff sa pagitan ng College of Saint Benilde at ng University of the Philippines.
Nakopo ng Lady Spikers at Golden Tigresses ang puwesto sa do-or-die semis ng centerpiece tournament ng liga na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water sa magkaibang pamamaraan..
Kinailangan ng La Salle na maisalba ang dalawang match points sa 25-18, 25-20, 20-25, 20-25, 17-15, scary win kontra archrival Ateneo de Manila University sa quarterfinals noong Linggo.
Isinalba ng lethal troika nina Angel Canino, 2023 National Invitationals Most Valuable Player Shavana Laput at Amie Provido ang twice-to-beat Lady Spikers upang manatiling walang talo sa pitong laro.
Umaasa ang La Salle, isang panalo na lamang mula sa ikalawang finals appearance sa torneo
matapos ang runner-up finish sa inaugural edition, dalawang taon na ang nakalilipas, na madala ang parehong composure kontra UST, na hinubaran ng korona ang Lady Spikers sa Final Four ng UAAP Season 86 noong nakaraang Mayo.
“This (quarterfinal) game, maganda ‘yung ibinigay na composure nito sa amin talaga. Ito ‘yung first five-set namin buong tournament and na-test namin na kaya namin. Pag-iigihan pa namin na maging mas composed kami,” wika ni
Provido.
Samantala, nakopo ng Tigresses ang ikatlong sunod na semis stint makaraang magaan na dispatsahin ang University of the East, 25-22, 25-21, 25-21.
Pangungunahan nina Angge Poyos, Regina Jurado, Kyla Cordora, Jonna Perdido at prized setter Cassie Carballo ang UST para makabalik sa championship round matapos ang runner-up finish noong nakaraang season.
Maghaharap ang three-peat-seeking National University at undefeated Far Eastern University sa isa pang semis pairing sa Sabado.
Magsasagupa naman ang Lady Blazers at Fighting Maroons upang umabante sa susunod na bahagi ng classification round.
Makakabangga ng mananalo ang survivor sa isa pang classification match sa pagitan ng Blue Eagles at ng Lady Warriors sa duelo para sa fifth.