Overtime

PATAFA, PINAKO-CONTEMPT

NAIS ni Senadora Pia Cayetano na ma-contempt ang mga miyembro ng board ng Philippione Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa panggigipit kay Filipino Olympian Ernest John Obiena.

/ 17 March 2022

Ipinaliwanag ni Cayetano na hindi sumunod ang PATAFA sa utos ng Senate Committee on Sports na makipag-ayos kay Obiena.

Bukod kay Cayetano, lumagda rin sa mosyon para sa pagsusulong ng contempt sa PATAFA board sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, gayundin sina Senators Panfilo Lacson at Francis Tolentino.

In compliance with the requirements of Section 18 of the Senate Rules, several colleagues have co-signed my motion. They include Senate President Vicente Sotto III, Senator Francis Tolentino, and Senator Panfilo Lacson,” pahayag ni Cayetano.

Matatandaang sa pagdinig ng Senate Committee on Sports noong Pebrero 7, inatasan ang PATAFA at si Obiena na mag-usap sa tulong ng Philippine Sports Commission para maayos na ang hindi pagkakaintindihan ukol sa paggamit ng pondo.

Ngunit naghain ng kaso laban kay Obiena ang PATAFA sa Court of Arbitration for Sport sa Switzerland at labis nakakaapekto sa pagsasanay at panahon ni Obiena.