Overtime

PAGTATAYO NG NATIONAL ACADEMY OF SPORTS SA LEYTE, LUSOT NA SA 2ND READING SA KAMARA

INAPRUBAHAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa pagtatayo ng National Academy of Sports sa Baybay, Leyte.

/ 21 March 2021

Ang House Bill 8997 o ang proposed Baybay City National High School for Sports Act ay inihain nina Representatives Carl Nicolas Cari, Roman Romulo, Eric Martinez, Yasser Alonto Balindong, Jocelyn Fortuno, Angelo Marcos Barba, Ramon Guico, Isagani Amatong, Ma. Victoria Umali, Mark Go, Abdullah Dimaporo, Alfel Bascug, at Kristine Alexie Tutor.

Batay sa panukala, ang itatayong Baybay City National High School for Sports ay pamumunuan ng Department of Education (DepEd) katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC). 

Layun nito na mabigyan ng oportunidad ang mga high school students sa Baybay City upang malinang ang kanilang athletic skills at talents.

Alinsunod din sa panukala, babalangkas ang DepEd ng school curriculum na magbibigay-diin sa pagpapalakas ng athletic skills ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga subjects sa physical education at sports.

Kung sakaling maging batas, ang pondo para sa pagtatayo ng paaralan ay magmumula sa General Appropriations Act ng DepEd.