NU PEP SQUAD NABAWI ANG UAAP CHEERDANCE CROWN
SA ISA sa pinaka-makalaglag pangang performances sa kasaysayan ng UAAP cheerdance competition, nagpamalas ang National University Pep Squad ng high risk, high reward "intergalactic showcase" upang sementuhan ang kalagayan nito bilang isa sa pinakamatagumpay na programa sa harap ng 19,121 fans kahapon sa Mall of Asia Arena.
SA ISA sa pinaka-makalaglag pangang performances sa kasaysayan ng UAAP cheerdance competition, nagpamalas ang National University Pep Squad ng high risk, high reward “intergalactic showcase” upang sementuhan ang kalagayan nito bilang isa sa pinakamatagumpay na programa sa harap ng 19,121 fans kahapon sa Mall of Asia Arena.
Ipinamalas ng NU ang championship pedigree nito sa pamamagitan ng isang celestial-inspired performance upang makalikom ng kabuuang 713 points sa pagdomina sa lahat ng limang kategorya: tumbling, stunts, tosses, pyramids, at dance upang kunin ang record-tying eighth crown at hubaran ng korona ang third placer ngayong season na Far Eastern University (650 points)
Ang Jhocson-based cheerdancers ay tabla ngayon sa University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe at University of the Philippines Pep Squad para sa pinakamaraming championships.
“Yung suporta talaga ng management at community namin at yung program na patuloy pa rin na pinapalakas at hindi nagiging stagnant. Patuloy kami nag-a-achieve ng something new para sa UAAP cheerdance competition,” wika ni NU coach Gab Bajacan.
Pumangalawa ang Adamson Pep Squad sa kanilang karaoke-inspired performance.
Nakakolekta ang Adamson ng 679.5 points para sa pinakamataas nitong cheerdance finish magmula noong May 2022 bubble competition.
Huling nag-perform, kinumpleto ng Far Eastern University Cheering Squad ang podium na may magical Frozen-themed routine, sa natipong 650 points para mabigo sa kanilang back-to-back title bid.
Pumang-apat ang UE Pep Squad na may 641, sumunod ang UST (634.5), UP (560), La Salle Animo Squad (525) at Ateneo (490)