NO ANGEL? NO PROBLEM SA LADY SPIKERS
NAGKUMAHOG ang defending champion La Salle sa kanilang unang laro na wala si reigning MVP Angel Canino bago naitakas ang 26-24, 25-20, 24-26, 27-25 panalo laban sa University of the Philippines at lumapit sa ‘Final 4’ sa UAAP women's volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Mga laro sa Martes:
(Smart Araneta Coliseum)
10 a.m. – AdU vs FEU (Men)
12 noon – DLSU vs UE (Men)
2 p.m. – AdU vs FEU (Women)
4 p.m. – DLSU vs UE (Women)
NAGKUMAHOG ang defending champion La Salle sa kanilang unang laro na wala si reigning MVP Angel Canino bago naitakas ang 26-24, 25-20, 24-26, 27-25 panalo laban sa University of the Philippines at lumapit sa ‘Final 4’ sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Si Canino, na naka-uniporme subalit nakasuot ng arm sling, ay nagtamo ng cut sa kanyang kanang braso sa isang aksidente na walang kinalaman sa volleyball at ang kanyang kalagayan ay “day to day.”
Sa pagkawala ni Canino ay sumandig ang Lady Spikers sa kanilang collective effort upang makopo ang ika-8 panalo sa siyam na laro.
“We are winning for her. We are playing for her,” sabi ni Shevana Laput, na nanguna sa La Salle na may 21 points, kabilang ang 2 blocks.
“Definitely there’s the need to step up so I guess there’s that pressure but I’m glad that my team and the coaches have that trust in me,” dagdag pa niya.
Nagdagdag si Alleiah Malaluan ng 17 points habang nagpamalas si Maicah Larroza ng solid all-around game na 12 points, 14 digs at 10 receptions para sa Lady Spikers.
Nagtala si Irah Jaboneta ng 17 points at 11 digs para sa Fighting Maroons, na nahulog sa 1-9.