Overtime

NCAA: CHIEFS SINIBAK ANG KNIGHTS SA FINAL 4 CONTENTION

HUMABOL ang also-ran Arellano University mula sa 14-point deficit upang sibakin ang Letran sa Final Four contention sa 67-65 reversal sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

14 November 2024

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs Benilde
2:30 p.m. – EAC vs JRU

HUMABOL ang also-ran Arellano University mula sa 14-point deficit upang sibakin ang Letran sa Final Four contention sa 67-65 reversal sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Sa kabila na hindi ulit nakapasok sa semifinals, ang Chiefs ay nagkaroon ng reputasyon bilang giant killers ngayong season. Ginulantang din ng Arellano ang title contenders College of Saint Benilde at defending champion San Beda.

Idinagdag ng Chiefs ang Knights sa kanilang listahan, at naitala ng Legarda-based squad ang ika-7 panalo sa 17 laro.

Umiskor si rookie guard Jhomel Ancheta ng 18 points, kabilang ang krusyal na three-pointer, wala nang isang minuto ang nalalabi, at nakumpleto ng Blazers ang head-to-head elimination round sweep sa Red Lions sa 70-62 panalo.

Umangat ang Benilde sa 14-3, habang ipinalasap sa San Beda, isang potential Final Four opponent, ang kanilang ika-7 kabiguan sa 17 laro.

Ipinaliwanag ni Arellano coach Chico Manabat na ang kasaysayan ng Letran bilang isa sa pinaka-prestihiyosong programa sa liga ang nag-udyok sa determinasyon ng kanyang koponan na silatin ang Knights.

Tinapos ng Knights, bigong makapasok sa Final Four sa ikalawang sunod na season matapos ang three-peat, ang kanilang kampanya na may 8-10record.

“About naman sa Letran na gusto namin talunin, siyempre [may] history ang Letran. Marami nang championship yan with the good coaches ng Letran. Lahat kami gusto namin talunin yung mga ganoon sa isa’t isa,” sabi ni Manabat.

“Talagang gusto nilang talunin yung Letran kasi alam niyo naman champion yang Letran,” dagdag pa niya.

Sa pagkakasibak ng Letran, ang Lyceum of the Philippines University (9-8) at Emilio Aguinaldo College (8-9) na lamang ang nag-aagawan sa huling Final Four slot.

Iskor:
Unang laro
Arellano (67) – Capulong 13, Vinoya 9, Valencia 8, Camay 7, Hernal 7, Geronimo 6, De Leon 4, Borroneo 4, Libang 4, Abiera 3, Miller 2, Ongotan 0, Flores 0.
Letran (65) – Monje 24, Montecillo 11, Javillonar 11, Estrada 10, Miller 5, Santos 2, Nunag 2, Cuajao 0, Jumao-As 0, Dimaano 0.
Quarterscores: 17-16, 28-40, 51-54, 67-65
Ikalawang laro
Benilde (70) – Ancheta 18, Liwag 14, Sanchez 13, Ynot 10, Torres 5, Cometa 4, Morales 3, Sangco 3, Oli 0, Ondoa 0, Turco 0, Serrano 0, Eusebio 0.
San Beda (62) – Lina 17, Payosing 12, Andrada 10, Estacio 7, Sajonia 6, Celzo 4, Puno 2, Songcuya 2, Gonzales 2, RC Calimag 0, Bonzalida 0, Royo 0, Sollano 0.
Quarterscores: 19-20, 34-31, 52-51, 70-62