Overtime

NCAA: CARDINALS SUMOSYO SA 2ND PLACE

NAIPUWERSA ng Mapua ang four-way tie sa ikalawang puwesto makaraang pataubin ang University of Perpetual Help System Dalta, 71-65, sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa  Filoil EcoOil Centre.

16 September 2024

Standings    W  L
Benilde          3 0
Mapua         2 1
Perpetual      2 1
San Beda      2 1
SSC-R            2 1
Letran          1 1
EAC              1 2
LPU              1 2
Arellano        0 2
JRU              0 3

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)

11 a.m. – Letran vs Arellano
2:30 p.m. – EAC vs San Beda

NAIPUWERSA ng Mapua ang four-way tie sa ikalawang puwesto makaraang pataubin ang University of Perpetual Help System Dalta, 71-65, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa  Filoil EcoOil Centre.

Ipinakita ni Clint Escamis ang kanyang pagiging MVP nang magbuhos ng career-high 28 points, tampok ang dalawang triples sa dying moments, na sinamahan ng 3  steals, 2 rebounds, 2 assists at 1 block, para sa ikalawang sunod na panalo ng Cardinals

matapos ang season opening loss.

Nauna rito, naiposte ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang unang panalo matapos gapiin ang  Jose Rizal University, 97-92, sa kanilang unang laro magmula nang mawala si JM Bravo dahil sa season-ending injury.

Nakatabla ng Mapua ang kanilang biktima, ang  defending champion San Beda at ang San Sebastian sa 2-1, sa likod ng league-leading College of Saint Benilde na may perfect 3-0 card.

Ito ang unang kabiguan ni coach Olsen Racela magmula nang gabayan ang Altas saoff-season.

Kuminang si John Barba na may 28 points, 5 rebounds, at 3 assists, habang bumuslo ng impresibong 5-of-7 mula sa arc upang tulungan ang Pirates na putulin ang two-game slide.

Isinalpak ni Barba ang dagger three-pointer upang bigyan ang LPU ng 95-92 kalamangan.

Naghahabol sa 63-72 sa pagsisimula ng final period, nagawang burahin ng Pirates ang kalamangan ng Bombers. Itinabla ng clutch free throws ni Barba ang talaan sa 92-92.

May huling tsansa ang JRU na itabla ang laro, subalit kinapos ang three-point attempt ni Joshua Guiab. Pagkatapos ay tinapos ni Vincent Cunanan ang laro sa pamamagitan ng dalawang free throws, at sinelyuhan ang breakthrough win ng Lyceum sa season.

Iskor:

Unang laro

LPU (97) – Barba 28, Cunanan 20, Guadaña 17, Peñafiel 9, Montaño 9, Daileg 5, Aviles 4, Moralejo 2, Gordon 1, Villegas 1, Panelo 1, Caduyac 0, Culanay 0.
JRU (92) – Medina 22, Guiab 20, Argente 11, Ramos 9, Sarmiento 9, Barrera 9, Pangilinan 3, Bernardo 3, Ferrer 2, Mosqueda 2, Panapanaan 1, De Leon 1, Raymundo 0, Samontanes 0.
Quarterscores: 28-32, 53-62, 61-72, 97-92

Ikalawang laro

Mapua (71) – Escamis 28, Cuenca 12, Jabonete 8, Hubilla 7, Bancale 6, Mangubat 6, Igliane 2, Agemenyi 2, Ryan 0, Concepcion 0, Fermin 0.
Perpetual (65) – Gojo Cruz 17, Abis 12, Pagaran 12, Pizarro 9, Manuel 6, Orgo 5, Gelsano 2, Boral 1, Nunez 1, Montemayor 0, Cauguiran 0.
Quarterscores: 23-20, 37-38, 50-53, 71-65