Overtime

NCAA: CARDINALS SOSYO SA 2ND SPOT

NAITALA ng Mapua ang ikalawang sunod na panalo makaraang pataubin ang Jose Rizal, 88-81, upang sumosyo sa second spot sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa Filoil Ecooil Centre.

30 September 2024

Standings W L
Benilde 5 1
Letran 5 2
Mapua 5 2
Perpetual 4 3
San Beda 3 3
EAC 3 4
LPU 3 4
JRU 2 5
SSC-R 2 5
Arellano 2 5

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – SSC-R vs Benilde
2:30 p.m. – Letran vs San Beda

NAITALA ng Mapua ang ikalawang sunod na panalo makaraang pataubin ang Jose Rizal, 88-81, upang sumosyo sa second spot sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Ecooil Centre.

Nanguna si reigning MVP Clint Escamis para sa Cardinals na may 19 points, 4 rebounds at 2 assists habang gumawa rin ang rookie duo nina Lawrence Mangubat at Chris Hubilla.

Umangat sa 5-2 record, ang Mapua ay tumabla sa Letran sa likod ng league-leading College of Saint Benilde (5-1).

“Malaking bagay ito especially coming into the game na alam naming tied yung mga ibang teams so kailangan naming maka-pondo kumbaga before the second round,” sabi ni Escamis.

Sa ikalawang laro ay naungusan ng Emilio Aguinaldo College ang Lyceum of the Philippines University, 90-88, upang makatabla ang kanilang biktima sa 3-4 sa sixth spot.

Isinalpak ni King Gurtiza, na-foul ni Greg Cunanan sa three-point area, ang dalawa sa kanyang tatlong charities sa huling limang secondo at napigilan ng Generals ang pagkulapso matapos masayang ang 18-point lead.

“Narinig ko ‘yung coach nila (Gilbert Malabanan) at si Cunanan na may fouls to give pa sila. Ayun, naisip ko na pagpalapit na siya sa akin, titira ko na. Sakto sa tira ko yun,” sabi ni Gurtiza, na tumapos na may 21 points, 5 rebounds at 5 assists.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Pirates matapos ang three-game winning streak, upang masibak sa top four.

Tumapos si Mangubat na may 16 points at 5 rebounds, habang nagdagdag si Hubilla ng 15 points, 3 rebounds at 3 assists para sa Cardinals.

Nahulog ang Bombers sa 2-5.

Iskor:
Mapua (88) – Escamis 19, Mangubat 16, Hubilla 15, Cuenco 13, Bancale 10, Jabonete 4, Igliane 4, Concepcion 4, Garcia 3, Ryan 0, Fermin 0, Agemenyi 0, Pantaleon 0.
JRU (81) – Guiab 17, Panapanaan 15, Pangilinan 12, Raymundo 11, Argente 11, Benitez 4, Garcia 4, Mosqueda 2, De Jesus 2, Barrera 2, De Leon 1, Ramos 0, Samontanes 0, Sarmiento 0, Ferrer 0.
Quarterscores: 32-18, 57-41, 71-57, 88-81

Ikalawang laro:
EAC (90) – Gurtiza 21, Bagay 11, Doromal 9, Pagsanjan 8, Quinal 8, Loristo 8, Ochavo 7, Oftana 6, Lucero 5, Luciano 5, Jacob 2, Angelo 0, Manacho 0, Umpad 0.
LPU (88) – Barba 19, Montaño 14, Villegas 12, Peñafiel 11, Moralejo 7, Cunanan 5, Daileg 5, Caduyac 5, Aviles 4, Gordon 4, Guadaña 2, Panelo 0.
Quarterscores: 28-17, 52-44, 68-69, 90-88