Overtime

MAPUA BALIK SA PORMA SA NCAA WOMEN’S VOLLEY

3 May 2025

BALIK ang bangis ng Mapua University Lady Cardinals matapos ang 25-17, 25-23, 25-19 pagwalis sa University of Perpetual Help Lady Altas sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan.

Nagbida si Freighanne Garcia na may 17 puntos, kabilang ang 15 attacks, kasama pa ang 9 excellent receptions para sa Lady Cardinals na umangat sa 8-5 at tinuldukan  ang three-game losing skid.

Sinabi ni Lady Cardinals head coach Clarence Esteban ma kinausap lamang niya ang kanyang tropa na ibalik ang kanilang laro matapos na yumukod sa kanilang unang tatlong laro sa second round ng eliminasyon.

“Hindi naging maganda ‘yung simula namin ng second round, kaya niremind ko lang sila na ibalik lang namin ‘yung pace ng laro namin para manalo uli kami,” ani  Esteban.

Dahil sa pagkatalo ay nahulog ang Lady Altas sa 7-5 kartada.

Samantala, patuloy ang matinding arangkada ng Mapua University Cardinals ngayong season matapos ang 25-21, 25-21, 12-25, 17-25, 15-13 panalo sa nagdedepensang University of Perpetual Help Altas.

Nanguna si Barbie San Andres sa kanyang 33 puntos, mula sa 30 atake, dalawang service aces, at isang block upang umangat ang Mapua sa 12-2