LADY TAMARAWS MAINIT ANG SIMULA SA SHAKEY’S SUPER LEAGUE
MAGAAN na dinispatsa ng Far Eastern University ang San Sebastian College-Recoletos, 25-14, 25-19, 25-20, para mainit na simulan ang kanilang kampanya sa Pool D ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Coliseum)
9 a.m. — CSB vs SSC-R
11 a.m. — opening ceremony
1 p.m. — UP vs La Salle
3:30 p.m. — Mapua vs Lyceum
6 p.m. — Ateneo vs San Beda
MAGAAN na dinispatsa ng Far Eastern University ang San Sebastian College-Recoletos, 25-14, 25-19, 25-20, para mainit na simulan ang kanilang kampanya sa Pool D ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ipinaramdam ni rookie Clarisse Loresco ang kanyang presensiya at nakipagtuwang kina veteran Alyzza Devosora at Kyle Pendon upang pangunahan ang Lady Tamaraws sa paggapi sa Lady Stags sa larong tumagal ng isang oras at 27 minuto.
Tumapos ang 18-year-old middle blocker na may 9 points, apat ay mula sa third set, kabilang ang isang quick attack na pumigil sa paghahabol ng Lady Stags at naglagay sa FEU sa match point.
“Masaya po ako na maganda ang nilaro ko and thankful kay coach Tina (Salak) for giving me the opportunity na maipakita ko yung laro ko in today’s game,” pahayag ng dating FEU standout.
Nagdagdag sina Devosora at Pendon ng tig-7 points, umiskor si Nikka Medina ng 6 habang nagtala sina Mitzi Panangin at Ann Asis ng tig-5 para sa bronze medalist ng nakaraang edisyon.
Nanguna si Kath Santos para sa Lady Stags na may 9 points habang nagdagdag sina Divine Garcia at Juna Gonzales ng tig-5.