Overtime

LADY SPIKERS SWAK SA SSL FINALS

PINATAOB ng unbeaten De La Salle University ang University of Santo Tomas sa limang sets, 26-28, 25-19, 25-20, 21-25, 15-13, sa do-or-die semifinals sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

7 November 2024

Mga laro sa Sabado:
(Rizal Memorial Coliseum)
3:30 p.m. –- Ateneo vs UE (classification)
6 p.m. — FEU vs NU (semis)

PINATAOB ng unbeaten De La Salle University ang University of Santo Tomas sa limang sets, 26-28, 25-19, 25-20, 21-25, 15-13, sa do-or-die semifinals sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang ikalawang finals appearance ng Lady Spikers sa torneo matapos ang runner-up finish sa inaugural edition, dalawang taon na ang nakalilipas.

Makakaharap ng La Salle sa best-of-three finals ang mananalo sa three-peat seeking National University at undefeated Far Eastern University sa isa pang semis pairing sa Sabado.

Samantala, ginulantang ng College of Saint Benilde ang University of the Philippines, 25-19, 25-14, 25-20, sa first phase ng classification round.

Napigilan ng three-peat NCAA champions Lady Blazers ang late third set fightback ng Fighting Maroons upang makumpleto ang 79-minute rout at umabante sa battle for fifth.

Pinangunahan nina Clydel Catarig, Mycah Go at Grace Borromeo ang balanced scoring ng Saint Benilde upang putulin ang four-game slide sa torneo.

Epektibong pinagana ni Lady Blazers setter Cheanae Basarte ang kanyang attackers upang paulanan ang UP ng 40 attack points.

“Sa amin naman ginagawa namin ‘yung trabaho namin bilang kami lang ang NCAA team na pumasok (sa playoffs). Gusto namin makipagsabayan din kasi ‘yun ang trabaho namin,” wika ni said Basartel, na gumawa ng 10 excellent sets.

“Iniisip namin na makakatulong ang Shakey’s (Super League) pagpasok sa NCAA,” dagdag pa niya.

Tumapos si Catarig na may 8 points, pawang mula sa kills, habang umiskor si Borromeo ng 7 points. Nag-ambag sina Go, Cristy Ondangan at Zamantha Nolasco ng tig-6
points para sa Jerry Yee-mentored squad.

Makakaharap ng Saint Benilde ang magwawagi sa pagitan ng Ateneo de Manila University at ng University of the East sa fifth place match sa November 16.

Nagtala sina Nina Ytang at Irah Jaboneta ng tig-7 points para sa UP, na makakasagupa ang matatalo sa isa pang classification round pairing para sa seventh place.

Ang SSL games ay ineere nang live at on-demand via Puso Pilipinas, SMART Livestream, Solar Sports Channel 70 sa Sky Cable at Channel 59 sa Cable Link.