LADY BLAZERS NIRESBAKAN ANG LADY KNIGHTS
NAKABAWI ang College of St. Benilde Lady Blazers sa kanilang first round tormentor na Colegio de San Juan de Letran Knights matapos ang 25-18, 25-19, 17-25, 25-18 panalo kahapon sa Playtime FilOil Center sa San Juan City.
Kumamada si Zamantha Nolasco ng 17 puntos, mula sa 11 atake at anim na blocks, upang pangunahan ang nagdedepensang Lady Blazers sa pag- angat sa solo first place na may 13-2 kartada.
Sinabi ni Lady Blazers head coach Onyok Getigan na mas determinado ang kanyang tropa na bawian ang Lady Knights matapos silang walisin sa kanilang paghaharap noong first round.
“Siyempre ‘yun ‘yung mga nasa isip ng bata (na makabawi), pero pinag-aralan din talaga namin ang Letran, kung sino ang babantayan, kung sino ang puwedeng umiskor sa kanila, mga ganun,” ani Getigan.
“Since patapos na rin (ang elimination round) so mas inaayos talaga namin ang mga kailangan naming ayusin sa laro namin,” dagdag niya. “Mas nagkakaroon na kami ng options sa rotation namin.”
Dahil sa pagkatalo ay nalaglag sa ikalawang puwesto ang Lady Knights tangan ang 13-3 marka.
Samantala, binawian ng Mapua University Lady Cardinals (11-5) ang first round tormentor na San Sebastian College-Recoletos Lady Stags (7-9). Nanguna si Seanell Garcia na may 21 points para sa Mapua.
Sa men’s division, pinataob ng Colegio de San Juan de Letran Knights (10-6) ang CSB Blazers (12-3), 23-25, 25-21, 25-14, 25-23. Nanguna si Vince Himzon sa kanyang 21 puntos.
Nakasiguro naman ng Final Four seat ang Mapua University Cardinals (14-2) matapos ang 25-18, 25-22, 25-21 pagwalis sa San Sebastian College Golden Stags (4-12). Nagbida si Barbie San Andres sa kinamadang 18 puntos para sa Mapua,