Overtime

LADY BLAZERS MAINIT PA RIN SA V-LEAGUE COLLEGIATE CHALLENGE

17 August 2025

NANATILING walang talo ang College of Saint Benilde Lady Blazers sa 2025 V-League Collegiate Challenge matapos na pataubin ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, 25-18, 25-18, 25-17, kahapon sa Paco Arena Sports and Events Center sa Manila.

Nagbida si Shekaina Lleses na may 10 points, kabilang ang 8 attacks at 2  service aces, 8 digs at 6 excellent receptions para sa Lady Blazers, na umangat sa 3-0 kartada.

Nag-ambag  sina middle blockers Zam Nolasco at Cristy Ondangan ng tig-9 points, habang 5 points naman ang kinamada ni Rhea Densing para sa reigning NCAA champions.

“Ang initial plan lang namin is ‘yung system namin, na sundin at gawin nang tama. Kasi kung kakabahan sila, siyempre, hindi nila magagawa nang tama ‘yung mga dapat nilang gawin,” wika ni CSB assistant coach Corrine Apostol.

Nagtala si Zey Pacia ng 11 points, habang nagdagdag  si Gena Hora ng 9 points  para sa Blue Eagles, na nagtala ng kabuuang 27 errors sa pagkatalo.

Samantala, naiposte ng University of Perpetual Help System DALTA Lady Altas ang unang panalo matapos na gapiin ang Mapua University Lady Cardinals, 25-13, 25-9, 25-13.

Nanggaling sa bench si Shai Omipon upang tapusin ang laban, nagtala ng 5 pointd, tatlo rito ay mula sa ikatlong set.