Overtime

HILING NA CONTEMPT LABAN SA PATAFA, AAKSYUNAN NG SENATE COMMITTEE ON SPORTS

TINIYAK ni Senate Committee on Sports Chairperson Christopher ‘Bong’ Go na aaksyunan niya ang mosyon ng ilang senator na ipa-cite in contempt ang mga board member ng Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).

/ 18 March 2022

Ito ay bunsod ng hindi pa rin pagresolba sa isyu nito kay Pinoy Olympic pole vaulter EJ Obiena. 

Nag-ugat ang mosyon nang maghain ang PATAFA ng kaso sa Court of Arbitration for Sport sa Switzerland, sa kabila ng pagsang-ayon sa naging committee hearing noong February 7 na magkaroon sila ng mediation kasama si Obiena. 

Rest assured that we will appropriately act on the motion to cite PATAFA in contempt for filing an arbitration case despite ongoing mediation proceedings as agreed upon during the Committee Hearing held last February 7 for the parties involved to amicably settle their differences,” pahayag ni Go.

Upang maging patas, sinabi ni Go, na maglalabas ang Committee on Sports ng show cause order sa mga Board of Director ng PATAFA para maipaliwanag ang kanilang panig. 

Kasunod nito ay magsasagawa ulit sila ng pagdinig, at saka magdedesisyon kung anong hakbang ang dapat na gawin.

Binigyang-diin ni Go na determinado silang tumulong na maresolba ang isyu at maprotektahan ang kapakanan ng mga atleta ng bansa. 

Nanawagan rin ang mambabatas na huwag nang haluan ng pulitika ang sports dahil walang mananalo sa hidwaang ito. 

Nakiusap din si Go sa lahat na isantabi na muna ang pansariling interes, at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan alang-alang sa bansang Pilipinas na kinakatawan sa bawat laban.