HATAWAN SA SHAKEY’S SUPER LEAGUE SIMULA NA
SUSUBUKAN ng veteran-laden Far Eastern University ang lakas ng San Sebastian College-Recoletos sa pagsisimula ng aksiyon sa third staging ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.
Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Coliseum)
3:30 p.m. — SSC-R vs FEU
6 p.m. — Lyceum vs UE
SUSUBUKAN ng veteran-laden Far Eastern University ang lakas ng San Sebastian College-Recoletos sa pagsisimula ng aksiyon sa third staging ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang opening serve ng Pool D showdown ay nakatakda sa alas-3:30 ng hapon kung saan sisikapin ng Lady Tamaraws na mainit na simulan ang kanilang kampanya matapos ang runner-up finish sa National Invitationals noong nakaraang Hulyo.
Ipaparada ng Tina Salak-mentored squad, nag-uwi ng bronze sa edisyon ng centerpiece tournament noong nakaraang taon, ang isang intact roster, sa pangunguna nina setter Tin Ubaldo, National Invitationals 2nd Best Middle Blocker Jean Asis, Chenie Tagaod at Faida Bakanke.
“Ibibigay namin ang best namin sa game and magandang exposure na rin ito para sa mga rookies namin para makita kung anong kaya nilang gawin,” wika ni FEU assistant coach Joanne Bunag.
Determinado ang Lady Stags ni multi-titled tactician Roger Gorayeb na bigyan ang Lady Tamaraws ng matinding hamon, sa pangunguna nina skipper Katherine Santos, Von Dimaculangan, at Kristine Dionisio.
Samantala, maghaharap ang University of the East at Lyceum of the Philippines University sa alas-6 ng gabi sa Pool B upang kumpletuhin ang unang playdate ng centerpiece SSL tournament.
Magbabalik para sa Lady Warriors si 2023 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League Best Opposite Spiker Jelai Gajero makaraang magtamo ng knee injury noong nakaraang taon.
Sasandal ang UE kina Casiey Dongallo, Kizzie Madriaga at KC Cepada para sa kanilang podium aspirations.
“We just hope that the girls are all healthy and perform the way they normally do in practice and apply those in the game and continue moving forward from there,” sabi ni UE deputy Doc Obet Vital.
Gayunman, ang Lady Warriors ay tiyak na mapapalaban sa Lady Pirates na pinangungunahan nina reigning NCAA 1st Best Middle Blocker Hiromi Osada at Best Opposite Spiker Janeth Tulang, Johna Dolorito, Joan Doguna at playmaker Venice Puzon.
“Bibigyan namin sila ng madandang laban. Sabi ko nga sa mga bata di naman kailangang pressure and dala-dala sa loob. Just enjoy the game and learn from it,” ani Lyceum coach Cromwel Garcia.