FERNANDEZ, SAHAGUN HUMAKOT NG TIG-5 GINTO SA BIMP-EAGA GAMES
PUERTO PRINCESA — Lumangoy ng limang ginto at dalawang pilak ang 19-anyos na si Quendy Fernandez sa harap mismo ng hometown crowd sa pagtatapos ng swimming event ng 2024 Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area Friendship Games (BIMP-EAGA) kahapon sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.
PUERTO PRINCESA — Lumangoy ng limang ginto at dalawang pilak ang 19-anyos na si Quendy Fernandez sa harap mismo ng hometown crowd sa pagtatapos ng swimming event ng 2024 Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area Friendship Games (BIMP-EAGA) kahapon sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.
Hindi rin nagpahuli ang 21-anyos na si Philip Adrian Sahagun ng Team Philippines A at hinakot nito ang lahat ng limang ginto sa kanyang sinalihang events sa men’s division ng taunang kumpetisyon.
Itinuturing ng UAAP Season 87 champion na si Fernandez na parang panaginip ang kanyang tagumpay.
“This is an international competition kaya sa umpisa kinabahan ako kasi nanonood ang aking mga magulang at mga taga-suporta. Gusto kung mabigyan sila ng kasayahan dahil matagal na din na hindi nila ako nakikita na sumasali sa mga competition. Ngunit ang cheering nila ay parang energy na nagpapalakas sa akin,” sabi ni Fernandez na second year Electrical Engineering student sa University of the Philippines Diliman.
Bukod sa BIMP-EAGA ay nagwagi rin ng anim na ginto ang tubong Puerto Princesa City at apat na ginto, kabilang ang dalawang bagong records, sa UAAP Season 87 na ginawa sa Clark Aquatic Center sa Angeles City.
“I was prepared for this competition. After the UAAP season 87 sa Clark, Angeles City sa nakaraang buwan, hindi na ako nagpapahinga dahil iniisip ko this BIMP-EAGA is an international competition. But I was not expecting to win this much of medals. Of course, malaking blessing galing kay GOD na ito dahil sa pagsisikap ksa practice. This is my first international competition kayavery happy talaga ako. Thank you Lord,” dagdag ni Fernandez.
Ang third year BS Entrepreneurship student ng DLSU-Taft na si Sahagun ay nagpakitang-gilas din at nasikwat ang ginto sa limang events na kanyang sinalihan.
“5-of-5 ako. I never expected this dahil after sa UAAP season 87, nagpahinga ako. At alam mo parang late bloomers din ako eh. Dahil late na ako nag-umpisa sa swimming kaya pinalakas ko ang loob ko na kaya ko ito. After my first event, Nakita ko Malaki ang tsansa ko kaya mas lalong lumakas ang confidence ko,” ayon kay Sahagun na hangad ding mapasama sa national team.
Dinomina ni Fernandez ang girls 50-m backstroke (30.22-seco), girls 100-m backstroke (1:07.21), girls 200-m 4×50-m medley relay(2:06.68), girls 200- Freestyle 4×50-m freestyle relay (1:55.76) at girls 200-m backstroke (2:27.62), at pinangunahan ang Team E sa silver medal finish sa 4×100-m freestyle relay –(4:20.08) at girls 4×100-m medley relay (4:48.78).
Si Sahagun naman ay namayani sa boys 200m individual medley (2:13.52), boys 4x100m freestyle relay (3:44.05), boys 100m backstroke (1:00.82), boys 200m backstroke (2:14.38) at 4x100m medley relay (4:06.66).
Maging sa medal-rich athletics ay ipinakita ng mga atletang Pinoy ang husay at determinasyon upang marinig ang national anthem sa awarding ceremonies.
Pinangunahan nina Malchay Moreno at Kate Duffy Gel McDowell ang kampanya ng Philippines Team A sa athletics. Ang parehong 17-anyos na sina Moreno na tubong Davao City at McDowell ay nag-uwi ng tig-dalawang ginto at tig-isang pilak sa athletics event na ginawa rin sa RVM track oval.
Namayagpag ang incoming college freshman na si Moreno sa girls 400-m run sa oras na 1:00.41 at nagwagi naman si McDowell sa girls 1,500-m run (5:08.37) habang pinagtulungan nilang sungkitin ang silver medal sa 4×400-m relay (4:09.51)at 4x100m relay (50.36-sec.).
Sa ibang events, nagwagi si Erika Said ng Team Philippines C sa artistic at solo creative event ng pencak silat habang nakuha nina Trishna Marangon at Honey Mae Agravante ng Team Philippines A ang ginto sa artistic double senior female event at sina Mark Loyd Diaz at Clark Joseph Navarro ang namayagpag sa artistic double male seniors category.