DUTERTE DINOBLE ANG INCENTIVES PARA SA MGA ATLETANG NANALO SA 31ST SEA GAMES
Dinoble ni outgoing President Rodrigo Duterte ang cash incentives para sa mga Filipino athletes na nanalo ng medalya sa 31st Southeast Asian Games (SEA Games) sa Vietnam.
Ito ay inihayag nitong Miyerkules ng pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC).
“President Duterte was very pleased by the performance of our athletes in the last Vietnam SEA Games and doubling their incentives is his way of recognizing and showing his appreciation for their efforts,” ayon kay PSC Chairman William Ramirez.
Pinangunahan ni Ramirez ang courtesy call ng Philippine contingent sa Malacanang nitong Martes ng gabi, Mayo 31.
Dumalo rin sa pagtanggap sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham Tolentino, Commissioners Ramon Fernandez, ang national team chef de mission, Celia Kiram, Charles Maxey, Arnold Agustin, at Rep. Faustino Dy III, Chairman ng House Committee on Youth and Sports.
“Please know that I really recognize all the tedious preparations you have made to perform your best in this regional sports competition. Just like a father to every Filipino, I am very proud of you,” sinabi ni Duterte sa mga atleta at mga coach.
“I wish you all a good life para sa ginawa ninyo sa bayan. I would like to say to all of you, maraming, maraming salamat.”
Sa ilalim ng batas, ang isang indibidwal na nakakuha ng gold medal ay makakatanggap ng P300,000, para sa silver, P150,000, at P60,000 para sa bronze.