Overtime

CHRISTIAN VILLA HARDCOURT ‘SILENT WORKER’ NG LYCEUM

MANILA -- Siya ang tipong manlalaro sa hardcourt na nahahanay sa papel ng rebounds monster na si Dennis Rodman ng Chicago Bulls noong kapanahunan ni living legend Michael Jordan.

17 March 2024

MANILA — Siya ang tipong manlalaro sa hardcourt na nahahanay sa papel ng rebounds monster na si Dennis Rodman ng Chicago Bulls noong kapanahunan ni living legend Michael Jordan.

Wala gaanong puntos na mabibilang para sa kanyang pangalan dahil hindi ito ang kanyang papel.

Pero hindi rin matatawaran ang kanyang tunay na papel na ginagampanan na napakahalaga rin sa kabuuan ng performance ng kanyang koponang Lyceum of the Philippines Young Pirates.

“Gaagapay lamang po ako sa paggawa ng puntos ng aking teammates,” wika ng 18-year-old na si Villa na tubong Pilar, Capiz.

Bukod diyan, limitado lamang ang kanyang playing time sa court sa loob ng hanggang limang minuto kung kaya ang kanyang average points per game ay sumasampa lamang sa dalawa hanggang apat na puntos kada laro.

Ngunit dahil hindi nga iyan ang kanyang pangunahing objective sa loob ng court, hindi naman matatawaran ang kontribusyon ng batang power forward sa ibang departamento.

Ito ang mga bagay na hindi masyadong nalalathala at narereport ng media ngunit lubhang makabuluhan at importante sa ikakapanalo ng isang koponan.

Ang mga ito ay sa larangan ng steals, assists, at rebounds.

Dito maaasahan si Villa at buong pagmamalaki niyang inihayag ang mga nagagawa niya sa mga departamentong ito.

Kahit na limitado ang oras niya sa paglalaro, nag-a-average siya ng 4/10 sa steals, 6/10 sa rebounds at 8/10 naman sa assists.

Malalaking pigura ang mga ito kung tutuusin ngunit, hindi naka-focus ang sportswriters masyado sa mga ito malliban na lamang kapag ang isang manlalaro ay naka-triple-double na tinatawag.

Ito ‘yung naka-double digit na production ang isang player, halimbawa, sa puntos, steals, rebounds, o blocks.

Kung bibilangin ang lahat ng stats na ibinigay ni Villa, at na-convert ng kanyang teammates into points, aabot ang mga pigurang ito sa 32 points sa isang laban ng kanyang koponan na Lyceum.