BUZZER-BEATER NI LINGOLINGO INIANGAT ANG UE VS ADAMSON
ISINALPAK ni Wello Lingolingo ang buzzer-beating jumper at tinapos ng University of the East ang kanilang first round campaign sa ika-5 sunod na panalo kontra Adamson, 63-62, sa UAAP men's basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
ISINALPAK ni Wello Lingolingo ang buzzer-beating jumper at tinapos ng University of the East ang kanilang first round campaign sa ika-5 sunod na panalo kontra Adamson, 63-62, sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Sa tamang lugar at tamang oras, ipinasok ni Lingolingo ang game winner, bilang follow up sa sablay na jumper ni Nico Mulingtapang sa huling tatlong segundo at nahila ng Red Warriors ang kanilang pinakamahabang winning streak magmula noong 2014, kung kailan nanalo rin sila ng limang sunod upang tapusin ang second round ng eliminations.
“Sinasabi ni coach Jack (Santiago) na hindi dapat hinahanap ‘yung laro, hayaan mo ‘yung laro ‘yung pupunta sa’yo. ‘Yun lang ‘yung ginagawa ko wala akong tinitake na forced shot. ‘Yung game-winning shot hindi ko talaga inexpect, parang nandoon lang talaga ako tapos na-make ko lang salamat kay God,” sabi ni Lingolingo, na tumapos na may 10 points at 3 steals.
“’Yung nakita ko ‘yung oras, hindi ako nag-dalawang isip. Luckily, pumasok ‘yung shot,” dagdag pa niya.
Ang mapanatili ang kanilang kahanga-hangang pagbangon mula sa 0-2 simula ang isang bagay na nasa isip ng UE dahil ang second round na magsisimula sa Linggo ay magiging mabigat na kumpetisyon.
“Back to zero, back to reality kami,” ani Santiago.
“‘Yung winning streak namin is giving me pressure talaga. I’m so happy with the guys at least ngayon nakikita ko talaga na ‘yung character namin starting to build and talagang ayaw magpatalo ng mga bata,” dagdag pa niya.
Nagtala si Nigerian center Precious Momowei ng 14 points, 11 rebounds at 3 steals habang nag-ambag si Devin Fikes ng 11 points para sa Red Warriors.
Umiskor si Matt Montebon ng 12 points, kabilang ang back-to-back baskets na nagbigay sa Falcons ng 61-57 kalamangan.
Sa women’s division, nakopo ng Adamson ang kanilang pinakamatikas na first-round finish sa loob ng 12 taon at nahigitan ang four-win effort noong nakaraang season sa 63-51 panalo kontra UE.
Pinutol naman ng University of the Philippines ang two-game losing skid at umangat ng isang laro sa likod ng Ateneo sa karera para sa No. 4 spot sa Final Four sa 66-62 panalo.
Iskor:
UE (63) – Momowei 14, Fikes 11, Lingolingo 10, Galang 10, J. Cruz-Dumont 8, Mulingtapang 4, Maga 4, Abate 2, Wilson 0, Spandonis 0, H. Cruz-Dumont 0.
AdU (62) – Montebon 12, Erolon 11, Manzano 9, Mantua 9, Yerro 7, Calisay 6, Fransman 5, Anabo 2, Ojarikre 1, Barasi 0, Barcelona 0, Dignadice 0, Ramos 0, Ignacio 0.
Quarterscores: 18-23, 34-39, 48-50, 63-62