BULLDOGS NILAPA ANG EAGLES
Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum) 1:30 p.m. – UE vs FEU 4:30 p.m. – UP vs DLSU
19 October 2025
NAG-INIT si Paul Francisco sa overtime period upang igiya ang National University Bulldogs sa 71-66 panalo laban sa Ateneo de Manila University Blue Eagles sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Matapos na makagawa lamang ng tatlong puntos sa regulasyon, kumamada si Francisco ng 10 puntos sa overtime period, kabilang ang back-to-back three-pointers na nagbigay sa NU ng 71-66 abante.
“My coaches and teammates just kept telling me to shoot the ball. I was kind of struggling throughout the course of the game. I credit my teammates and coaches on believing in me to keep shooting it and it paid off in overtime,” ani Francisco, na nagtala ng 13 marka.
Nagbigay ng all-around game si Jake Figueroa na may 13 puntos, 10 rebounds, walong assists, dalawang steals, at dalawang blocks para sa Bulldogs, na nasolo ang liderato sa kanilang 6-1 kartada.
Nagdagdag si Steve Nash Enriquez ng 12 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists, at tatlong steals. Nag-ambag naman si Omar John ng 11 puntos at siyam na rebounds para sa Bulldogs.
“Good win for us pero wala naman kaming pakialam kung nasaan kami ngayon. Ang importante kasi sa amin ay how we perform every game talaga. Hindi namin iniisip kung ano man ‘yung [standing namin], ang importante ‘yung growth ng players talaga,” wika ni NU head coach Jeff Napa.
Pinangunahan ni Jaden Lazo ang Blue Eagles na may 17 puntos, sinundan ni Shawn Tuano na may 15, habang nagsalansan si Dom Escobar ng 14 puntos, 10 rebounds, 7 assists, at 5 steals. Laglag sila sa 4-3 marka.
Samantala, sinandalan ng Adamson University Falcons (3-4) ang kanilang matibay na depensa sa kabuuan ng laro tungo sa 69-59 panalo kontra University of Santo Tomas Growling Tigers (5-2).
Nanguna si AJ Fransman sa kanyang 18 puntos para sa Falcons, nagdagdag si Cedrick Manzano ng 12 puntos at walong rebounds, habang may 10 puntos si Ray Allen Torres.
Nagbida si Nicael Cabañero na may 23 puntos, habang nagtala si Collins Akowe ng double-double na 10 puntos at 16 rebounds para sa Growling Tigers. ADRIAN STEWART CO
Iskor:
Unang laro
NU (71) – Figueroa 13, Francisco 13, Enriquez 12, John 11, Manansala 9, Santiago 7, Jumamoy 3, Palacielo 2, Garcia 1, Dela Cruz 0, Padrones 0, Tulabut 0, Parks 0.
Ateneo (66) – Lazo 17, Tuano 15, Escobar 14, Espinosa 10, Ladi 9, Ong 1, Bongo 0, Lazaro 0, Nieto 0, Espina 0, Gamber 0.
Quarterscores: 19-11, 34-22, 48-40, 61-61, 71-66.
Ikalawang laro
Adamson (69) — Fransman 18, Manzano 12, Torres 10, A. Ronzone 7, Erolon 7, Montebon 6, Anabo 4, Ojarikre 2, Medina 2, Barcelona 1, Jaymalin 0, Cañete 0, Perez 0, C. Ronzone 0.
UST (59) — Cabañero 23, Akowe 10, Padrigao 7, Calum 6, Llemit 5, Paranada 3, Crisostomo 3, Laure 2, Danting 0, Buenaflor 0, Acido 0, Estacio 0.
Quarterscores: 16-16, 38-25, 53-43, 69-59.