BLAZERS NAPANATILI ANG LIDERATO
NAIBALIK ng College of Saint Benilde ang kanilang winning ways at pinutol ang three-game winning streak ng Lyceum of the Philippines University sa 103-78 panalo sa NCAA men's basketball tournament nitong Biyernes sa Filoil EcoOil Centre.
Standings W L
Benilde 5 1
Perpetual 4 2
Letran 4 2
Mapua 4 2
San Beda 3 2
LPU 3 3
EAC 2 4
JRU 2 4
SSC-R 2 5
Arellano 1 5
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – San Beda vs Arellano
2:30 p.m. – Perpetual vs Letran
NAIBALIK ng College of Saint Benilde ang kanilang winning ways at pinutol ang three-game winning streak ng Lyceum of the Philippines University sa 103-78 panalo sa NCAA men’s basketball tournament nitong Biyernes sa Filoil EcoOil Centre.
Umangat ang Blazers sa 5-1 upang mapanatili ang liderato, at malimitahan si league’s top scorer John Barba sa12 points, makaraang maabot ang 25-point game sa tatlong laro na namayani ang Pirates kahit wala si injured ace JM Bravo.
Nagtala si Allen Liwag ng double-double outing na 22 points at 12 boards habang nag-ambag si Justine Sanchez ng 18 points at 5 assists para sa Benilde.
Nakabawi rin ang Mapua matapos ipalasap sa San Sebastian ang kanilang ika-5 sunod na kabiguan, 91-72, upang sumalo sa second place.
Nanguna si Marc Cuenco para sa Cardinals na may career-high 26 points, habang nagdagdag si reigning MVP Clint Escamis ng 25 points at 4 rebounds.
“At the end of the game, yung team effort ang magpapanalo,” pahayag ni Cuenco sa broadcaster GTV.
Umangat ang Mapua sa 4-2 kartada para makabawi mula sa 81-96 pagkatalo sa LPU noong nakaraang Martes at makatabla ang University of Perpetual System Dalta at Letran sa standings.
“’Yung last game namin, yung defense namin, pangit eh. Kaya nag-focus kami sa individual defense namin and mga schemes namin at tsaka ‘yung energy at effort namin, nandoon yung kulang last game eh kaya double effort kami ngayong game,” sabi ni Cuenco.
Bumawi ang Blazers mula sa dikit na 79-81 pagkatalo sa Knights na tumapos sa kanilang unbeaten run.
“Pagbalik namin sa ensayo, go hard kaming lahat kasi hindi kami puwedeng mag-relax, kasi lahat ng teams na makakaharap namin, gusto nila kaming talunin,” ani Liwag.
Nahulog ang Pirates, nakakuha ng 26 points mula kay Mac Guadaña, sa 3-3.
Nanguna si Tristan Felebrico para sa Stags na may 20 points, 9 rebounds, at 4 assists, habang nagdagdag si Paeng Are ng 17 points at 4 steals.
Iskor:
Unang laro
Mapua (91) – Cuenco 26, Escamis 25, Hubilla 12, Bancale 6, Igliane 6, Jabonete 6, Concepcion 6, Mangubat 4, Abdulla 0, Fermin 0, Pantaleon 0, Agemenyi 0.
SSC-R (72) – Felebrico 20, Are 17, Aguilar 9, Cruz 8, Escobido 7, L. Gabat 3, Suico 3, Velasco 2, Lintol 2, R. Gabat 1, Pascual 0, Ricio 0, Ramilo 0.
Quarterscores: 22-12, 39-35, 65-48, 91-72
Ikalawang laro
Benilde (103) – Liwag 22, Sanchez 18, Morales 10, Cometa 9, Torres 9, Sangco 8, Eusebio 7, Galas 7, Ondoa 4, Ynot 3, Cajucom 3, Serrano 3, Carillo 0, Oli 0, Turco 0.
LPU (78) – Guadaña 26, Montaño 14, Barba 12, Villegas 6, Peñafiel 4, Culanay 4, Paolo 4, Aviles 3, Cunanan 2, Gordon 2, Pallingayan 1, Moralejo 0, Daileg 0, Caduyac 0, Panelo 0.
Quarterscores: 32-22, 59-40, 80-59, 103-78