ANTIPOLO NAGPATAYO NG PANGALAWANG SPORTS HUB
Nagpatayo ng sports building ang lokal na pamahalaan ng Antipolo upang mas lalo pang ma-develop ang athletic skills ng mga batang atleta ng lungsod.
Ayon kay Mayor Andrea Ynares ang nasabing sports facility ay nakatayo katabi lamang ng Sports Hub at DepEd Division Office sa Barangay San Isidro (upper Antipolo).
Pwede anya mag-training ng boxing,gymnastics, judo, taekwondo, maglaro ng basketball, badminton, volleyball, magsanay ng sports dancing, E-games, at iba sa nasabing pasilidad.
Sinabi ng alkalde na mag re-resume ang operations nito pagkatapos ng pandemyang ito.
Dagdag pa ng alkalde na may pangalawang parehas ng unang sports building din silang itinatayo sa lower Antipolo.
Magpapatayo rin anya si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan ng Center for Sports Excellence sa lungsod para magkaroon ng state-of-the-art at world class na training hub ang mga atletang Pinoy.
“Ayon kay MVP, may hotel facilities at mga kwarto na sa nasabing lugar. May space pa para pagtayuan ng mga badminton courts, boxing gyms, basketball courts, at iba pa… at iba pa,” ani Ynares sa kanyang Facebook post.
“Magkakaroon din ng mga sports psychologists, trainers, coaches na titira dito. Magiging National Sports Center ang nasabing training facility. Layunin din na mas mapalapit ang training hub ng mga atleta sa halip na magsanay sila abroad,” dagdag pa ng alkalde.