Overtime

ALAS PILIPINAS UMANGAT SA NO. 77 SA FIVB MEN’S WORLD RANKINGS

18 September 2025

UMAKYAT ang Pilipinas ng 11 puwesto sa FIVB men’s world rankings kasunod ng upset victory kontra  Egypt sa 2025 FIVB Men’s World Championship noong Martes.

Ginulantang ng Alas Pilipinas ang higher-ranked Egyptian team, 29–27, 23–25, 25–21, 25–21, para umangat sa No. 77 mula No. 88 sa world rankings.

Bumaba naman ang Egypt ng isang puwesto sa No. 21 mula No. 22.

Ayon sa  FIVB website, isinasaalang-alang ng ranking system ang bawat laro at set na nilaro ng national teams.

Nanatili ang Poland bilang  world No. 1, sumunod ang Brazil at Italy.