2023 PALARONG PAMBANSA ITINAKDA SA HULYO 29-AGOSTO 5
INANUNSIYO ng Department of Education ang pagdaraos ng 2023 Palarong Pambansa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5.
INANUNSIYO ng Department of Education ang pagdaraos ng 2023 Palarong Pambansa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5.
Sa DepEd Memorandum No.005, s.2023 na nilagdaan ni Undersecretary Revsee Escobedo, ang Palarong Pambansa ay gaganapin ngayong taon sa ilalim ng Republic Act No. 10588, o ang “Palarong Pambansa Act of 2013.”
Magiging host ang local government unit ng Marikina kasama ang DepEd National Capital Region office at ang Schools Division Office ng Marikina City.
Ayon sa DepEd, ang Palaro ay lalahukan ng 17 DepEd regional athletic associations.
“Filipino athletes enrolled in recognized schools overseas shall also be allowed to participate under the banner of Philippine Schools Overseas,” sabi pa ng DepEd.
Batay sa inirekomendang iskedyul ng mga aktibidad para sa 2023 Palaro, ang Division Meets ay dapat isagawa sa kalagitnaan ng taon na bakasyon mula Pebrero 6 hanggang 10 habang ang Regional Meets ay dapat maganap sa pagtatapos ng Third Academic Quarter mula Abril 24 hanggang 28.