Society

PITONG ULIRANG GURO SA FILIPINO, PARARANGALAN NG KWF

22 September 2022

Pararangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pitong (7) guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang Ulirang Guro sa Filipino. Sa taong ito, dalawang (2) guro sa elementarya ang pararangalan, sina Warren A. Norberte ng Lungsod Butuan SPED Center at Gladys M. Jovellano ng Bagacay Elementary School. Dalawang (2) guro din ang nagwagi mula sa sekundarya, sina Alma T. Bautista ng Santos Ventura National High School at Christina D. Macascas ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Tatlo (3) naman ang mula sa kolehiyo, sina Lita A. Bacalla at Rowena C. Largo na parehong nagmula sa Cebu Normal Univeristy, at Alvin Rom De Mesa ng Leyte Normal University.

Ang Ulirang Guro sa Filipino ay taunang gawad na ipinagkakaloob ng KWF sa mga gurong nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino at/o mga wikang katutubo ng Pilipinas at kultura sa larang ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pananaliksik, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain.

Gaganapin ang Araw ng Parangal sa 4 Oktubre 2022. 10:00nu sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Maynila. Mapapanood din ito nang live sa Facebook page ng KWF.

#UlirangGurosaFilipino2022
#KWFUGFilipino2022