PAMBANSANG KONGRESO SA NANGANGANIB NA WIKA
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika sa ๐๐โ๐๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐ sa Pambansang Museo, Lungsod Maynila bilang pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang mga katutubong wika ng bansa at tugon sa Pandaigdigang Dekada ng mga Katutubong Wika 2022-2032 (International Decade of Indigenous Languages o IDIL 2022-2032).
Ipipresenta rin dito ang Pambansang Adyenda sa Pangangalaga ng Nanganganib na Wika at resulta ng implementasyon ng Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) bilang kauna-unahang programa ng pamahalaan sa pagpapasigla ng wika (language revitalization) sa bansa. Tatalakayin din ang mga ginagawang hakbang ng mga institusyon sa pangangalaga sa mga komunidad at katutubong wika, mga saliksik sa katutubong wika, at mahahalagang isyung may kaugnayan sa nanganganib na wika tulad ng dokumentasyong pangwika, praktika sa dokumentasyon, field methods, pagbuo ng ortograpiya, at iba pang kaugnay na paksa. Magsisilbi itong panimulang gawain para sa International Decade of Indigenous Languages 2022-2023 (IDIL), kayรข bubuo ng resolusyon hinggil dito.
Layunin ng Kongreso na mahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilang wika at lumikha ng mga saliksik; at mailahad/matalakay ang mga pinakamahusay na paraan sa pananaliksik, pagbuo ng programa para sa pagpasigla ng wika, at iba pang isyu na nakaaapekto sa wika.
Ang pamamaraang gagamitin ay hybridโang susing tagapagsalita, mga tagapanayam, mga presenter, at ilang kalahok ay in person, samantala, ang ibang mga kalahok naman ay via Zoom. Magkakaroon din ng live streaming sa opisyal na Facebook ng KWF.
Abangan ang anunsiyo hinggil sa rehistrasyon. Para sa mga tanong at karagdagang detalye, mag-email sa [email protected].