Society

MOU NG DOST-PCIEERD AT KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF), LALAGDAAN!

7 April 2022

Lalagdaan ang Memorandum ng Unawaan ng DOST-PCIEERD at KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) sa 8 ABRIL 2022, sa NOVOTEL, Cubao, Lungsod Quezon.

Suportado ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) sa pamumunò ni Tagapangulong Enrico C. Paringit ang mga proyektong pangwika gámit ang makabagong teknolohiya.

Kabilang sa mga proyektong pangwika ng DOST-PCIEERD gámit ang teknolohiya ay ang Establishment of Mindanao Natural (MinNa) Language Processing (LProc) Research and Development Laboratory at  A Mobile-Web Bidirectional Neural Machine Translation System for Filipino and Cebuano ni Kristine Mae Adlaon ng University of Immaculate Concepcion; Marayum: A Community-Built Mobile Phone-Based Online Web Dictionary for Philippine Languages ni Mario Carreon ng University of the Philippines Diliman; Kaag: A Mobile-based Multimodal Preservation of Language and Culture ni  Bb. Shenna Rhea Cloribel ng University of Immaculate Concepcion; CRADLE2020: Diachronic Representation and Linguistic Study of Filipino Word Senses Across Social and Digital Media Contexts ni Briane Paul Samson ng De La Salle University; Pinoy Indie Films Road Show: Cine Kabundukan ni Karen Jane Salutan ng DLSU Animo Labs Foundation Inc.

Suportado ng KWF sa pamumunò ni Tagapangulong Dr. Arthur P. Casanova, ang mga proyektong pangwika ng DOST-PCIEERD gámit ang makabagong teknolohiya na isang paraan sa pagsasakatuparan ng mandato ng KWF na magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nitó, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.

Dadalo rin sa nasabing gawain sina Dr. Carmelita C. Abdurahman, Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto at Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng KWF.