MGA ESTUDYANTE EXCITED NA SA RED BROADBAND
RED Broadband, ang bagong serbisyong magdadala ng pinakabagong unlimited fiber broadband at PayTV sa mga tahanan ng bawat Pillipino, ay pormal nang inilunsad sa pagitan ng Cignal TV at Radius Telecoms. Pinangunahan nina Radius Telecoms COO Jenevi L. Dela Paz, MERALCO President at CEO Atty. Ray C. Espinosa, Radius Telecoms President at CEO Exequiel C. Delgado, Cignal TV President at CEO Robert P. Galang, at Cignal TV CFO John L. Andal ang ginanap na kasunduan. Bunsod ng mas madalas na pamamalagi ng mga tao online bilang resulta ng pandemya, ang pagkakaroon ng mabilis at maaasahang serbisyo ng internet ay naging isa na sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan dahil sa mga online class at pagtatrabaho ng karamihan mula sa sari-sariling tahanan.
Ang Radius Telecoms, Inc. ay isang subsidiary ng Manila Electric Company (MERALCO). Bilang kumpanya ng tekomunikasyon na naghahatid ng kumpleto at end-to-end na uri ng serbisyo ng fiber optic sa bansa, layunin nito na matugunan ang tumitinding pangangailangan sa mabilis at maaasahang serbisyo ng internet sa bansa. Ang Cignal TV naman ay isa sa mga kompanyang nangunguna sa paghahatid ng serbisyo ng Direct-to-Home satellite. Ito ay may 120 na channel, kasama ang free-to-air, SD, at HD na maaaring pagpilian ng mga manonood. Ito ay nakipagkasundo sa Radius Telecoms upang maihatid ang pinakamahusay na serbisyo ng fiber broadband at payTV sa tahanan ng bawat Pilipino sa halagang tiyak na pasok sa badyet ng mga ito. Hatid ng RED Broadband sa mga konsyumer ang serbisyo ng unlimited na fiber internet at payTV sa abot-kayang halaga na magsisimula sa P1299 kada buwan.