Student Vox

THOUGHTS ON RESPECTING POLITICAL OPINIONS

/ 11 October 2021

Election season na naman.

And here we go again with these stupid and misused respect-other-people’s-voting decision argument.

Pero ganito kasi ‘yan. May reyalidad na nangyayari sa labas ng ating mga tahanan. May mga batang namamatay dahil sila ay “collateral damage.” May isla na kinukuha at inaangkin ng iba. Tumataas ang sahod ng sandatahang lakas para mas maging marahas. May mga tumatakbo sa gobyerno na magnanakaw. Libo-libong Pilipino na ang namatay at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.  Maraming kabataan din ang patuloy na dumadaan sa butas ng karayom dahil sa online learning, at ’yung iba ay tumigil muna sa pag-aaral dahil sa kawalan ng gadgets o internet access. At halos kulelat ang Pilipinas sa pagsugpo ng COVID-19 sa Asya.

Kung respeto lang rin naman ang ating hangarin, bakit ‘di muna natin galangin ang mga mamamayang pinatay at ginutom ng kahirapan? Bakit ‘di natin respetuhin muna ang karapatan ng mga Pilipino sa edukasyon? Bakit ‘di natin respetuhin muna ang karapatang mabuhay ng bawat Pilipino?

Sabi nga sa isang confrontation scene sa Pinoy Big Brother: “Ang respect hindi ‘yan ini-impose, ine-earn ‘yan.”

Yes, we should “respect other people’s beliefs” as long as those beliefs don’t threaten our people and our country. We can’t just respect someone’s belief, especially if that “belief” endorses plunderers and human rights abusers. My respect ends where the support of oppression begins.

I said what I said. If we continue respecting each other’s opinions, even if those opinions cater toxic ideas, we are part of the problem. Some opinions are plain toxic, and it shouldn’t be tolerated. Hindi naman siguro masamang maging kritikal tayo paminsan-minsan.

This is not “just politics.” We are talking about the next crucial six years. Much is always at stake, especially if we don’t put deserving people in positions of power, and it becomes more dangerous if we put the wrong people. It’s not an either-or situation. Hindi ito mini-mini may-ni mo. All of our lives will be affected by the people we elect.

Ngunit sa isang banda, isang bagay ang natitiyak ko: hindi tayo hihinto sa pagpuna, despite our political disagreements. Sa lahat ng pambubusabos at patuloy na pagpapabaya ng administrasyon, nararapat na matamang kilatisin ng taumbayan kung sino nga ba ang karapat-dapat na mahalal sa puwesto, kung anong mga partido at kandidato ang tunay na kakatawan sa interes ng nakararami.

Dahil ang eleksyon ay hindi lamang patungkol sa pagpili ng mga kandidato. Ito’y panahon ng pagharap at pagtindig.