Student Vox

KWENTO SA LIKOD NG KATHA’T LAYA PILIPINAS

/ 2 December 2020

“Gusto namin sa amin magsimula ang pagbabago dahil naniniwala pa rin kaming Kabataan ang pag-asa ng Bayan, at naniniwala kami na sa pag-abante ng adbokasiya ay ang paglaya gamit ang sining at literatura.”

For the Youth and by the Youth.

Ang Katha’t Laya ay isang organisasyong naglalayon na tumulong sa kabataan na malinang ang kanilang talento at mapagpabuhay ang kanilang mga adbokasiya. Sabi nga nila “to build a sustainable future for the youth.” Nakikita naman natin na kabataan ang may pinakamalaking porsyento upang maisagawa ang pagbabagong minimithi at kailangan ng lahat. Nitong mga nagdaang buwan ay naging usap-usapan ang di umano’y biglang pagusbong nitong Katha’t Laya Pilipinas na ikinagulat naman ng marami. Madaming nagsasabing baka sa una lang ito at hindi lumago, at marami din naman ang naniwala na magiging isa ito sa mga organisasyong tutulong sa mga kabataan lalo sa Bayan.

“Bata palang ako gusto ko nang maging ehemplo sa ibang kabataan, naniniwala kasi ako na kung hindi ko susubukan ay hindi ko mapagtatagumpayan, kaya kahit nakakatakot sinubukan ko. Naniniwala kasi akong sa atin pa din magsisimula ang pagbabago. Naniniwala ako na there is always a Purpose kung bakit ko ginagawa ito. Alam kong makakatulong ako lalo sa mga kabataang naliligaw ang landas, o mga kabataang gustong maging boses ng mga pipi, at maging tanglaw ng mga nasa dilim.” Ayon kay Gem Jewel Caling, ang Chairperson at Founder ng Katha’t Laya Pilipinas.

Ang Katha’t Laya ay binubuo ng National Executive Council na sina; Gem Jewel Caling ang Chairperson, John Isaac Santos ang National Executive President, Macel Naomi Negrido ang National Executive Vice President, at ang mga Bise Presidente ng bawat departamento na sina; James Wilbert Froilan VP for Multimedia, Von Rojohn Rubio VP for Internal affairs, John Carlo Nolasco VP for Adminitration, Maria Ela Dionisio VP for Marketing and Partnership, Princess Romo VP for Education and Research, Andrei Wilson Barredo VP for Internal Audit, John Angelo Jimenez VP for Finance, at si Ronie Sesante ang National General Secretary.

The organization’s mission is to provide an avenue to raise awareness on the relevant issues in the Philippines and all around the globe, at the same time striving for a better tomorrow. It aims to empower the youth in raising advocacies that help in achieving sustainable development towards the future. Katha’t Laya pushes to encourage the people to uphold justice, have integrity, and seek positive changes for the good of all.

Its vision is to strive for positive changes that will nurture the world and empower the youth to aim for sustainable development towards the future by promoting advocacies through arts and literature, imbued with justice, compassion, and benevolence.

According to the National Executive Council, nagkakilala silang lahat dahil sa ibang organization na parte sila. Mostly, sa kanila ay galing lang sa isang org lamang. Kaya rin bumuo sila ng isang organisasyon ay para mabigyan- daan ang adbokasiyang ipinaglalaban nila, dahil naniniwala kasi ang mga kabataang ito na may magagawa sila para sa pagbabago. Nakakatuwang makita na may isang organisasyon na walang pinapanigan, they are the organization na pipiliin ang Purpose nila kesa sa popularity na ibinibigay ng paligid. They are really open sa changes, at willing silang i-embrace yon for their growth. Kitang-kita na determinado silang matuto at ibahagi iyong natutunan nila sa iba.  Nakakatuwang isipin na may mga kabataan pa palang concern sa mga nangyayare sa Bayan, at mas lalo sa kapwa nila kabataan.

Nagtanong ako sa kanila kung ano ang impact ng Katha’t Laya Pilipinas towards sa leadership and friendship, eto ang mga naging sagot ng iba sa kanila.

“Naging litmus test ang KL sa akin towards a step to national youth leadership. In addition, may impact rin due to establishing connections and fostering friendships.” According to Von Rojohn Rubio ang VP for Internal affairs.

Ayon naman kay James Wilbert Froilan ang VP for Multimedia “sa Leadership marami, sa pag organized ng papers and all. Ang laking tulong kasi collaborative yung learnings from one to another. Walang lamangan. Then sa Friendship naman mas lalong na strengthen kasi same vibe, determination, ipinaglalaban at same path kung ano ang goal.”

From Macel Naomi Negrido the National Executuve President ‘I learned a lot from Katha’t Laya Pilipinas. KL became a platform for me to boost my leadership and collaborative skills and has given me a chance to lead the youth on a national level. In terms of friendship, KL’s enviornment is healthy for both its leaders and members. We share ideas and exchange healthy discourses. We can talk about anything, even about personal life. It does not limit us in expressing our opinions and sentiments. And I hope it’ll stay that way.”

Lastly,  according to Princess Romo the VP for Education and Research “I’ve been in many orgs or clubs and I’ve heard of the line “we are family” many times, but tell you what, KL was the one that really showed me that. Here, I see people treat each other with care and respect, with kindness and understanding, with love, warmth, and compassion. People here showed me how to uplift your own self without stepping on other people, and pulling others up instead. In terms of leadership, through the compassionate and considerate way our leaders are handling us, I learned and developed competence that uplifts others instead of wearying other people out; excellence and leadership that bring out the best in each one of us.”

Kitang-kita na pamilya ang binuo nila sa likod ng isang matamis na pangalan, pamilya na may pusong maglingkod. Sabi nga nila “It is great to be back serving an organization with a heart”

Ayon sa mga kabataang bumubuo nito “Lagi’t lagi para sa Bayan at para sa pag-abante ng adbokasiyang aming ipinaglalaban”