UY, MERRY EX-MAS DAW!
Nalalapit nanaman ang pagtatapos ng taon; nagsisimula na ang countdown. Ilang araw na lamang ay maririnig mo na ang kampana ng simbahan dala ng Simbang Gabi; ang aroma mula sa mga stall na nagtitinda ng puto bumbong at bibingka; ang liwanag ng mga parol na nakasabit sa kalsada; ang mga boses anghel na kumakanta-kanta ng jingle bell jingle bell rock.
No doubt, talaga namang masaya magdiwang ng pasko dito sa Pilipinas. Sama-sama ang bawat pamilya, mga kaibigan at mga mahal natin sa buhay sa pag-ubos ng mga pagkain na nasa la mesa tuwing Noche Buena; sa pakikipagpalitan at pagbukas ng mga regalo, hanggang sa abutin na tayo ng kinaumagahan ng kapaskuhan ay hindi pa rin nauubos ang ating tawanan at kwentuhan.
Syempre naman; ika nga, Christmas is a season of loving daw. Kaya ayan, nabubuhayan nanaman ng loob ang mga ibang ka-single peeps natin diyan! Perfect timing na ba para i-chat ang mga ghosts of our pasts ng isang maligayang “Merry Ex-mas”? Is this a sign para makipag-reconcile na sa ating mga maligayang past ko’s ?
Nako siz, if you’re reading this right now, sorry to say na hindi ito yung sign na hinahanap mo.
Bitawan mo na ang hawak mong phone at alisin mo na sa isip mo iyan. Yes, Christmas is a season of loving, of mending broken hearts; pero bago mo i-send yang Merry Ex-mas mong pagbati, ask yourself first—bakit?
Will this change anything? Everything? Or nothing?
Baka naman mas makakabuti sa iyo, at sa iyong headspace na wag nang i-welcome ang mga ideas na ganyan. Mas maraming bagay na mas magandang pagka-abalahan sa araw ng pasko katulad ng pagkanta sa videoke; pag-vlog ng ‘a day in my life’; pag-stream ng ‘Santa Baby’ ni Ariana Grande—naku, napakaraming choices for you to choose from!
Honestly, the best thing to do is to focus on yourself this coming Christmas.
But wait, akala ko ba, ‘Spread love, not hate! It’s Christmas day!’ ?
Exactly.
Spread love and spend love on yourself. You deserve it. You deserve to be happy this Christmas with your friends and your family by your side.
Disclaimer lang, I’m not saying that these ghosts of our pasts should be casted aside for the rest of our life; of course not. However, this coming Christmas day? Yes, they should be.
Remember, Christmas is the birth of Christ; so, focus on Jesus, not on getting a jowa (haha)!.
On a serious note, though. Sa lahat ng nagbabasa nito ngayon, I do hope you promise yourself to be happy this Christmas. Tandaan, walang nakakalungkot sa pag-celebrate ng pasko na ‘single’ ka; there’s always a right timing for everything.
Trust in God’s plans, and dedicate the 25th to His’ and yours from here on out; and I promise, your Christmas will definitely look a lot brighter!