REHAS
Makamundong pamumuhay ng tao
Kaliwa’t kanan ang gulo
Nakakapang-akit mga matang nanunuyo
Pagsamahin lahat ng tao
Mga taong gahaman sa yaman
Hindi nakaranas ng hirap kailanman
Araw-araw na katuwaan
Mga bata’y pinagsasamantalahan
Lumingon ka kaliwa’t kanan
Nilalamon ng kasalanan at kasamaan
Paghandaan mo man iyong kaligtasan
Iyong kapalaran, hindi matatakasan
Nakatago sa sulok ng piitan
Pinagsisisihan lahat ng kasalanan
Mahirap ka man o mayaman
Hindi na maibabalik ang nakaraan
Araw, buwan at mga taong lilipas
Takbo ng buhay mo’y kakaripas
Mga kasalanan mong mapangahas
Tutulak sa buhay mo upang magwakas
Patuloy ang pagtitiis
Ngunit oras ay bumibilis
Hindi ka pa rin makaalis
Kaya’t patuloy ka paring tumatangis
Sa pagsikat ng araw
Sakit at poot man ay umapaw
Katawan mong nakaposas, di na makagalaw
Tanggapin ang kapalarang hatid ng mundong ibabaw