PASAN KO ANG DAIGDIG: BIGAT NG KARUNUNGAN
Kay bigat ng aking pasanin
Paaralan ko, ako’y iyong dinggin
Bagama’t ang mga aklat ko’y kaibig-ibig
Sa murang gulang, pasan ko ang daigdig
Batid kong sa akin nakasalalay
Ang kinabukasan kong tunay
Ngunit paano naman ang aking katawan
Damay pati ang kalusugan
Sakit sa baga at depormidad sa buto
Ayon sa siyensya, ito ang matatamo
Bigyan pansin din ng institusyon ng edukasyon
Kalusugan ng mag-aaral ay maging misyon
Sa pagdating ng panahon
Anuman ang aking maging propesyon
Kurbado na ang aking likod
Dahil sa napinsalang kurdong panggulugod
Nais kong maabot ang aking pangarap
Ngunit ako’y aandap-andap
Sa aking mga dala-dala
Ako’y lubhang nag-aalala
Bilang mag-aaral, ako’y maparaan
Masalimuot man ang aking pinagdadaanan
Buo ang tiwala kong ako’y magtatagumpay
Kung gagaan ang aking buhay
Maabot ko ang liwanag ng rurok ng tagumpay
Sa aking mga magulang ito ay inialay
Ang aking ginuhit na kapalaran
At sa bigat ng karunungan, aking naging daan