Letters of Youth

Nang Muling Reglahin si LuzViMinda

333 taon na ang nakakalipas nang muling reglahin si LuzViMinda, ito ang reglang masasabi niya na mahapdi at ang reglang nag-iwan ng permanenteng marka sa kaniyang pagkatao.

/ 18 November 2020

Katulad ng regla ang biglaang paglaganap ng Coronavirus Disease – 2019 o COVID-19 sa buong mundo. Kabilang sa tinamaan nito si LuzViMinda, hindi man makaiwas mula sa pamimilipit sa nakaraang regla, hinarap pa rin niya ito ng buong tapang.

“Ang mamatay ng dahil sa’yo…” , buhay pa sa kaniyang isip ang pagsaliw niya sa awitin ng kaniyang minamahal na si Juan. Buong Bayan ni Juan ang nagbunyi sa pagkalaya ni LuzViMinda sa regla nito.

Buong akala niya ay hindi na siya muling tatamaan, ng hapdi at kirot mula sa kaniyang sariling dugo, ngunit mali ang kaniyang akala.

HINDI NA VIRGIN SI LUZVIMINDA

Tuluyan ng ninakaw ang perlas sa kaniyang silanganan, nang ibinigay ni Juan si LuzViMinda sa kamay ng kaniyang Bayan.

Likas na mayaman si LuzViMinda, sa mineral, ginto at iba pang gamit, ngunit nakapagtatakang ayon sa kuwento ng isang kababayan sa Bayan ni Juan mula sa ‘the Interpreter’ na si Danny Pilario, isang pari na nagmiministro sa Payatas Garbage Area, hindi raw ito ang mukha ng mayaman.

Tuluyan ng nayurakan ang perlas ni LuzViMinda sa eksenang kalat ang basura, patuloy ang patayan, at kita ang gutom sa mukha ng Bayan ni Juan, mula sa kuwento ni Pilario.

NAPKIN NG BUHAY

Sa kalagitnaan ng kaniyang regla, naisip niya muling gumamit ng napkin upang suportahan maagapan ang hapding kaniyang nararamdaman.

Inaprubahan na ng Kongreso ang Bayanihan to Heal as One Act upang tulungan ang 18 milyong mahihirap na pamilya sa bansa. Nakapaloob dito nag Social Amelioration Program (SAP) na magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga kasama rito.

Nakatulong ito sa pamilya ni PH36, isang 53 taong gulang na nag-positibo sa COVID-19, upang mabuhay sila sa pang-araw-araw

BAGONG LABANG PANTY

Pilit nilalabahan ni LuzViMinda ang kaniyang suot na panty upang hindi ito muling mag-iwan ng marka. Kahit maulit ang hapdi muli sa kaniyang nakaraang regla, gusto niyang maglaba at maging bago ang kaniyang pagkatao.

Araw-araw nireregla siyang nireregla, hindi niya man pansin, lagi itong linalabasan ng dugo, ngunit matatag ang Bayan ni Juan na sumusuporta kay LuzViMinda — ang Filipinas, ating bansang sinisinta.