Letters of Youth

MADAM GRAY EYES

Lahat naman ng naging teachers ko e may na-i-“contribute” sa pagkatao ko. Aba, kung maiiwasan ang “favoristism” sa mga estudyante, puwede rin ‘yan sa mga teachers, ‘no! Siguro, kaya laging may isang teacher na pumapasok agad sa isip natin kapag tinanong ang “life lessons” e dahil sila ‘yong madalas nating nakakasama. At sa kaso ko, siguro gano’n nga.

/ 28 September 2020

Isa siya sa “peymus” at “loding teacher” sa Filipino Department ng school namin. Kapag kasi sinabi ang pangalan niya, bigla-bigla na lang nagre-react ‘yong mga naging estudyante niya na parang nasa harap siya mismo ng mga ito – siguro bumalik ‘yong feeling nila sa klase niya. Well, baka naalala nila ‘yong pakiramdam na nabunot sila sa recitation noon mula sa “mahiwagang banga” niya na may ni-rumble-rumble na pangalan ng mga estudyante na nakasulat sa ¼ sheet of paper. (Jackpot ka ‘pag gano’n men!). For example na lang, mumultuhin ka ng kaluluwa nina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, o kung sino pang characters kapag hindi mo tinutukan ‘yong “Noli Me Tangere” lesson niya. Idagdag pa na kapag nagtanong siya at nasagot mo, may “follow-up questionsss” pang susunod.

So, meet my Filipino teacher (back then) slash school paper adviser (SPA) na si Mrs. Mary Grace B. Casita. Bigyan na lang natin siya ng codename: “Madam Gray Eyes.” (Ewan ko kung sa’kin lang ‘yon or “natural” lang ding kulay gray ‘yong mga mata niya).

 

Actually, una kong nakasama si Madam Gray Eyes noong Grade 8 ako (around 2016). Napili kasi ako ng Filipino teacher namin no’n na isali sa isang contest sa pagsulat. Pumayag ako (kahit hindi ako sigurado kung keribels ko ba o hindi). Ipinaalam niyang si Madam Gray Eyes ang magiging coach ko para ro’n. At skl (share ko lang), nang una kaming nagkausap no’n, hindi ako masiyadong nakikinig sa mga sinabi niya, hehe; una ko kasing nakita ‘yong gray eyes niya. (Hypnotized ka gHorl?)

Ayon, official nang binigyan ako ng papel at ballpen. Pero siyempre, practice first. Sa tuwing ipinapasa ko ‘yong mga ginagawa ko sa kaniya, laging nakasabit sa utak ko ‘yong tanong na, “Kaya ko ba? Bet ko namang magsulat pero parang hindi yata maayos ‘yong pagkakalatag ko ng ideas? etc. etc.” In short, wala akong self-confidence.

 

Pero, sa tulong at gabay niya na rin, parang may biglang nag-on na light bulb, hindi lang sa utak ko – kundi pati na rin sa puso ko. Napaintindi niya sa akin na kaya ako pinili sa contest na ‘yon ay dahil may nakita silang potensiyal sa’kin. At ang una kong dapat gawin ay ang mahalin at magtiwala sa sarili ko.

Hindi kami pinalad na manalo sa contest na ‘yon. Pero may naiuwi naman akong lesson mula kay Madam Gray Eyes. Kaya sabi ko sa sarili ko, “Next time…”

And speaking of, next time na nakasama ko si Madam Gray Eyes ay noong Grade 9 na ako. Tuluyan ko na siyang naging teacher sa Filipino. Laging challenging ‘yong mga ipinapagawa niyang outputs pero masasabi ko namang “enjoyable” siya.

One day, napili siya ng grupo ko na interview-hin para sa activity namin sa EsP (Edukasyon sa Pagpapakatao) subject. Sa pagkakaalala ko, tungkol ‘yon sa mga professionals – magtatanong kami kung bakit ‘yon ang napili nilang career at ano ang feeling nila ngayon.

Doon, nalaman naming hindi niya raw talaga “first love” ang pagtuturo. Una raw niyang ginustong maging nurse. Pero dahil sinabi sa kaniyang mag-teacher na lang siya, p-in-ush niya na lang ito – pero “Major in English” ang tinapos niya.

Nang tinanong namin kung ayos siya sa career niya ngayon, sinabi niyang minamahal niya na raw ito at natuto na rin siyang “yakapin” ang trabaho bilang isang guro.

Dahil doon, humanga pa ako kay Madam Gray Eyes. Hindi man niya tuwirang nasabi subalit nakuha ko muli ang isang “life lesson:” natututunan din palang mahalin ng isang tao ang isang bagay na ayaw niya noong una. Kung taliwas sa kagustuhan mo ang dumating sa’yo, iisa lang ang ibig sabihin no’n – si Lord na mismo ang naglaan sa’yo ro’n. (Amen? Amen!)

Mas nakasama ko pa si Madam Gray Eyes dahil sa school publication namin. Skl ulit, una niya akong isinabak sa Pagsulat ng Editoryal. Sa dalawang taon ko sa category na iyon, olats. Pero, nagbago ang lahat nito lang 2019.

Dahil gradweyt na ‘yong dating school journalist namin, in-offer sa’kin ni Madam Gray Eyes ‘yong “nabakante” niyang puwesto – ang Pagsulat ng Lathalain. Agad ko ‘yong kinuha kasi sa totoo lang, mas naging trip ko na ‘yong category na iyon.

“Unique” at “madugo” ‘yong journey ko rito. Paano ba naman, apat na rounds ang kinailangan naming daanan bago marating ang – siyempre – awarding ceremony. Chos! Na-qualify naman ako noong unang round (Top 15 lang kasi ang kukunin); at nagtuloy-tuloy na sa last three rounds.

At dumating nga ang “moment of truth” – siyempre, no’ng ini-announce na ang ranking sa category ko, nagsimula sa Rank 15 (May pa-element of surprise rin e.) Nang nasa Rank 4 na, hindi pa rin ako natawag. ‘Matic na ‘yon! Masaya na si Madam Gray Eyes dahil muling makararating sa Regional ‘yong mga “anak” niya. Pero ang buhay ay isang plot twist – may pa-bonus: nag-champion kami!

Habang tinatanggap ko ‘yong award, nagte-thank you ako kay Lord. Maliban kasi sa blessing na ito, may “life lesson” muli ako mula sa kaniya: dapat maging “sugarol” tayo – sugal lang ng sugal, taya lang ng taya. Mahirap ang daraanan natin, pero darating din ang panahon na sisigaw na lang tayo ng “Success!”

Pagmamahal sa sarili, pagtitiwala sa plano ng Diyos at ang pagiging “sugarol” – ito ang mga aral na natutunan ko mula kay Madam Gray Eyes. 

Sa totoo lang, minsan nagtatago pa rin ako sa “loob ng aking banga” – takot harapin ang mundo. Pero kapag naaalala ko ang mga salita ni Madam, feeling solb na ulit ako!

Kung ako lang ang tatanungin, dapat hindi lang sa “Teachers’ Month” natin kinikilala ang “kabayanihan” ng mga guro – dapat everyday rin.

Para kay Madam Gray Eyes at sa iba pang mga guro, mabuhay po kayo!